#Tulang Paalam

"PAALAM"

Paalam na isang salita
Isang salita na di' maalintana
Na sa bibig mo pa nagmula

Paalam...

Paalam na kay dali mo lang sabihin
Na para bang wala kanang damdamin
"Mahal Paalam"

Kay dali mo lang kalimotan ang ating pinagdaan
Akala ko ba ako lang
Akala ko ba pang habang buhay na tayong dalawa
Akala ko ba wala nang makapaghihiwalay sa ating dalawa
Oo nga pala "AKALA" ko lang pala

Kay sarap isipin na minsan naging parte ako nang buhay mo
Kay sarap sariwain ang masasayang ala-ala na binuo nating dalawa
Mga ala-ala na kailan may di na mababalik pa
Nang dahil lang sa salitang "Mahal Paalam"

Mahal tanging hangad ko lang ang kaligayahan mo
Kaya sana'y masaya ka na sa piling ng iba
Sana'y di mo ipaparanas ang sakit na aking nadarama
Kaya mahal malaya kana
"MAHAL PAALAM"

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center