Na dati’y laruan lang ang aking palaging dala
Mga panahon na ako’y musmos pa lamang
Mga oras na karga karga ng aking mga magulang
Kapag narining na ang tunog ng sorbetes sa labas
Sabay sabing ‘manong pabili po’ ng napakalakas
Kapag nakakita ng mga makukulay na lobo
Magpapabili’t hihilain si nanay ng patakbo
Walang ibang pino-problema
Kundi mga laruang nasira’t naluma
Kailangan matulog sa hapon, yan ay tiyak!
Walang magagawa kundi ang matulog na mangiyak-iyak
Laging sabik maglaro sa labas ng bahay
Na para bang sa mga kalaro’y ayaw ng mawalay
Kapag may nakitang laruan, bili dito, bili duon
Ang sarap balikan ng mga oras at sandaling iyon
Wala ng ibang sasarap pa sa buhay ng isang bata
Ang mga ala-ala na dala sa pagkatanda
Mga yakap at halik ni inay
Ang pagkalong at pagkarga ni itay