Filipino Word Poetry : HANGGAN

GOODBYE-LOVE-LETTER.jpg

"HANGGAN"

Naaalala ko pa, nung mga panahong masaya pa tayong dalawa.
Yung mga pag uusap nating halos abutin na ng umaga,
Mga tawanan na halos lampasan na ang ligaya,
yung saya na hindi matutumbasan ng kahit ano pa.


Dati yon, hindi na ngayon, hindi na kahit kailan.
Alam kong darating tayo sa hangganan.
Akala ko walang katapusan ngunit mayron palang hanggan,
Hanggan na tumapos sa masaya nating kasalukuyan.


Mga mensahe mong mala talata, Naglaho na.
Mga Hindi maubos ubos mong paalala, Wala ng natira.
Mga pangungulit mong hindi nakakasawa,
Lumipas na.
Paulit ulit mong pag sabi ng 'mahal kita',
Isa na lamang ala ala.


Bakit kaya?
bakit ba nagbago ka?
ikaw o ako ba?
Ano bang naging Problema?


May iba na ba?
masaya ka na ba?
pano na tayong dalawa?
Wala na ba talaga?


Bago ka lumisan, Gusto kong makarinig ng isang paalam.
Paalam na magsasabi sa'king dapat na nga kitang bitawan.
Kahit alam kong sobrang akong masasaktan,
ayos lang, Gusto ko lang din naman malaman.


Bago kita palayain,
may gusto lang sana akong sabihin,
maging masaya ka sana sa paglayo mo sa akin,
dahil kung hindi man, kaya kitang bawiin,
Kahit alam kong hindi ka na akin.


Sa pag layo mo, maari bang humiling? pakisuap wag mo 'kong lingunin.
Baka kasi hindi ko kayanin,
Makita kang lumakad palayo sa'kin.


'Wag kang mag alala,
Kakayanin ko din ang mag isa.
Siguro nga Ganon talaga,
hindi talaga tayo para sa isa't isa,
_Maaring isinulat sa libro ang kwento nating dalawa, _
ngunit sa mag kaibang Pahina.


Magandang araw steemians !! Masaya ako sa aking muling pagbabalik dito sa steemit at sana magustohan niyo tong aking handog na tula. Sana nasiyahan ko kayo at maraming salamat sa pagbasa.



Thanks and Godbless
@jumatgachomiano

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center