"Basta't Kasama Kita" : A Filipino Poetry

"Basta't Kasama Kita"

images (1).jpeg


Kapag kausap ka'y napakagaan
Magaan ang loob at aking nararamdaman
Ay kakaiba at ako'y sobrang masaya
Ibang iba sa naranasan kong ligaya

Ang mundo'y nag-iba nung nakita ka
Ikaw ang nagmulat sa'king mga mata
Kung gaano kasarap ang umibig
At ang tunay na kahulugan ng pag-ibig


Lahat ng mga ito'y aking magagawa
Walang problema "Basta't Kasama Kita".
Nandito ako para sayo ipaalala
Ang magagandang bagay na ating ginawa.


At gagawin pa habang ako'y nabubuhay
Ipapakita sayo ang pah-ibig na tunay
Galing sa taong puso ay dalisay
At ang mndo mo'y magkakakulay.


Lahat ng mga ito'y aking magagawa
Puno ng lakas "Basta't Kasama Kita".
Aabutin ang langit at mga tala
Pipilitin para sa iyo'y maihanda.


Ipapakita sa'yo ang munting hardin
Harding puno at walang mabibitin.
Habang tayo'y sabay na sasambitin
Ikaw ang pinakahuli kong mamahalin".

15472508.png


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Sasusunod Uli. Maraming Salamat!

Jassenn

Photocredit : 1 2

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center