"Torpe"
Kantyaw nila kung ba't wala pa akong nobya
Mga sabi nila ay pilit nalang binabalewala
Iniisip nalang kung paano ka makukuha
Sa tuwing ikaw ay nasisilayan
Tila ba ako'y naduduwag at napipilayan
Paglapit ay 'di man lang magawa
O di kaya'y pangungumusta lang sana
Ano ba naman ito?
Tila ako isang maton sa grupo
Pero isang mamon pag nandiyan ka
'di makagalaw at makapagsalita
Ito na ba ang sinasabi nila?
Na sa iyo ay tila natutulala,
Natotorpe na nga ba talaga ako?
O sadyang ang nadarama ko ay totoo?
Pero kahit anupaman ito
Isa lang ang napakasigurado
Ako na ay nahuhumaling sa iyo
At ikaw na ang parating gusto
Sana'y aking pag-ibig iyong mapansin
At loob ko ay bigyan ng tapang at diin
Upang sa'yo ay 'di na matameme
Bahala na, kung akala nila ako ay torpe
Sadyang totoo na ang aking nadarama sa'yo
Sana'y 'di sumalungat ang mundo
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
Narito rin ang aking Tulang Pilipino (Na may Hugot) :
and Here are my English Poetries
Hanggang sa Muli
Photocredits : 1 2