BAGO HUMANTONG SA PAGTATAPOS

BAGO ANG KATAPUSAN

Bawat letra ay mayroong katumbas,
Ang sakit pwede ko na bang ilabas,
sa pagkapit tuluyan nabamg kumalas?
Ito na kaya ang itinadhanang oras,

Mahiraap kumapit sa walang makapitan,
lumaban sa labang hindi alam kung meron ba talagang pinaglalaban,
Mananatili kang sugatan,
Ikaw ang magdadala sa papel ng pagiging talunan,

Mahal,akala ko pang habang buhay nato,
Akala koy parang bukas na hindi natatanaw ang dulo ,
Nilagyan natin ng desinyo ang mga plano,
pero bakit bigla nalang nagbago?

Sumalungat man sa atin ang mundo mananatili ako sayo,
yan ang sambit ng mga labi mo,
Ngayon ako nakaupo sa kawalan
Habang ang mundo ay iyong pinapakinggan,

Kailangan ko ng kwadradong rason,
para masagutan ang damdaming tumutugun,
bakit sa hinahabahaba ng panahon,
Naisipang PUTULIN na natin ngayon,

Bago ko tatapusin itong tula ,
LALAKBAYIN ko ulit saan tayo nagsimula,
Baka maalala mo sana bigla ,
Na minsan ay sabay din tayong namutla,

Tutuparin ko na lahat mong hiling,
Hindi na aabutin ng 3:00am na gising ,
Tititgilan na ang pagpapapansin,
Ayaw ko ng umasa pang mamahalin,

Mahal sa pagtatapos nito ,
ngiti mo sanay masaksihan ko,
Dahil yan lang naman ang aking hiling,
Maging masaya ka kahit a
hindi ako ang iyong kapiling !

p.s kuha ko ang picture naito sa aming paglalayag :)

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center