Pusong Bato

Nilamon ng pangarap ang aking kabuuan
Kinaya ang lahat ng kahihiyan , kaluluwa man ay masaktan
Sipa at tadyak moy hindi iniinda, mabalot
man ng pasa itong katawan
Pangako ko sa iyo hindi parin kita iiiwan

Araw at gabi hangad ko sa buong maykapal
Sanay pagmamahal ko'y bigyang kahulugan at iyong suklian
Maranasan man lang minsan ang iyong pagmamahal
Bago bibitaw itong puso ko't katawan

Pilit sinusungkit ang natatangi mong pag ibig
Ngunit bawat sungkit ko sukli mo'y matitigas na kamao
Buong pagkatao ko'y sinaktan mo ng todo
Dinurog mo ang puso pati ngipin ko.

God Bless All and Thank You

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center