2018 Poetry #9 - Tula Hango Sa Karakter Ni Maria Clara Noon at Ngayon


Image Source(direct link to img)

Sa bawat unaga kagandahan mo'y bumubungad
Tamis ng iyong ngiti ay inaabangan ng marami
Kislap ng mga mata mong nangungusap
at pakindat kindat
Para kang sinag ng araw at may dalang liwanag

Pinapangarap ka ng maraming Adan na
mahaplos at mahagkan
Balot na balot ka man kitang kita parin
ang iyong kagandahan
Boses mong napaka malumanay parang
musika sa tenga
Bawat kilos mo ay kaaya aya at parang mahika

Ngunit ang hirap mong abutin noon
Pumipiglas sa bawat habol ni Dodong
Takot kang mahawakan ang iyong mga kamay at mahagkan
Delikadesa sa sarili ang lagi mong pinagmamalaki
Dahilan na lagi kang tinutularan kanino man

Bawat salita mo'y puno ng po at opo
Bawat akyat ng ligaw dadaan kay itay na may hawak na palataw
Pinoprotektahan ang busilak mong katauhan
Hangad lang naman na mapunta ka sa karapat dapar na Adan

Ngunit binago ka ng mapanlinlang na panahon
Kong dati ika'y pumipiglas, ngayon ay ayaw ng umiwas
Sa bawat kindat ni Adan para kang dinuduyan sa kaulapan
Dati suot mo'y baro't saya hanggang paa
ngayon ay maiksing blusa at palda

Kong dati ikaw ang hinahabol, ngayon ikaw na ang naghahabol
Ingatan mo sana ang natatangi mong ganda
At tularan ang dating Maria Clara na may delikadesa
Bago masaktan at masira ni Adan ang iyong kinabukasan💟

Sana magustuhan ninyo ang tula na ito!

God Bless :)

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center