Para sa kabutihan mo
Walang makakatulong sayo
Kundi ang sarili mo
Sarili muna bago ang iba
Yan ang nararapat sabi nila
Isipin lumigaya kahit wala sya
Ang pamilya at kaibigan mo
Kaligayahan lang ang hangad para sayo
Gamitin mo itong sandata
Sa sakit na nararanasan mo
Hindi madali, OO
Wala nakakaalam nito
Lunas sa pusong bigo, ay lason sa pagkatao mo
Ang luha at sakit ay parang tinik
Tinutusok ng paulit-ulit
Dinudurog ng pait, ng buhay na nawaglit.
Sa mundong kinagagalawan natin ngaun
Normal lang ang masaktan at mabigo.
Hindi lang sa pag-ibig pati sa buhay na tinahak mo.
Kaya kaibigan! bumangon ka, hindi ka nag-iisa
Bumangon at kumawala, ipag-patuloy ang buhay na nawala.
Panahon na ang nagtakda, na ikaw ay lumigaya.
Mahalin ang sariling Wika
Support Filipino Poerty
Tula sa Pagbangon