POEM O TULA: HILING KO PARA SAYO

selfiecamera_2016-07-17-08-15-51-675.jpg

Ako'y simpleng babae dito sa mundo
Masayang kasama sa mahal ko
Minsan kami'y nag-aaway
Pero hindi aabot sa puntong kami'y maghiwalay

Gusto ko na lagi kitang kapiling
Para maramdaman ko ang aking hiling
Nang para sa Iba'y di na umiling
At sa kanilang di na mahumaling

Ikaw ang ilaw sa aking gabi
Na sa problema ko'y humahawi
Ikaw ang pangarap kong lagi
Sa sakit ng puso ko'y pumapawi

Pagmamahal ko'y alay lamang sayo
Ni wala man lang itong halong biro
Buksan mo pa ang aking puso
Nang malaman mong ako ay seryoso

Ang ating tadhana'y sadyang pinagtagpo
Di ko nga malama't ako'y minsay nalilito
Maging hanggang ngayong naging ika't ako
Nanatili pa ring tuliro ang isip ko.

Pangako ko sayo'y ang puso ko'y iyong-iyo
Di madadala kanino man ang sumusuyo
Kahit buksan mo pa ang aking puso
Nakatatak ang pangalan mo.

Sabi nila di ako magpadalos-dalos
Sa pagkat ika'y minahal ko ng lubos
Puso ko'y hindi magbabago
Ito'y nakalaan para lang sayo.

Ang tulang ito'y ginawa ko para sayo
Upang malaman mo na ika'y mahal ko
Sana patunayan mo
Na ako'y iyong-iyo.

Hanggang dito nalang po. Sana nagustuhan niyo po ang aking tula. Maraming salamat sa lahat.

By the way, if you are not yet done to your vote please support the program of sir @surpassinggoogle. Just click the three lines besides your profile then find the word " vote for witnesses" then type inside the box @steemgigs for vote.

Please follow, resteem and upvote me:

@sharatots

Thank you so much lage sa support po @surpassinggoogle,@bayanihan and @hr1 sa mga post ko po! Naw'y maraming biyaya pang dumating sa buhay niyo dahil sa mabuti kayong tao. At maraming kayong natulongan at isa ako doon. Salamat po sa lahat from the buttom of my heart. God bless you.

Xoxo,

Sarah

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center