Nasasaktan

Sa bawat pagdaan ng mga araw ako ay patuloy na nasasaktan
Nasasaktan sa bawat bigkas mo ng mga salita
Salita na nakakadurog ng aking puso
Puso na umaasa na iyo'y bigyan halaga
Halaga kagaya ng pagpapahalaga ko sa iyo
Sa iyo kasi umiikot ang mundo ko
Mundo ko na nagkakulay noong ika'y makilala
Sana muli mong maramdaman noong una tayong nagkita
Maaaninag sa iyong mga mata
Ang pagmamahal mong lubos sa akin.

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center