Pagkalalakbay Patungo Sa Dako Roon @Shikika

Halika kaibigan at samahan mo ako sa aking paglalakbay na pinasimulan ni @shikika. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngunit, subalit  ayaw ko syang iwan dahil gusto ko syang samahan sa kanyang paglalakbay.  

 Maganda ang panahon ng hapon na iyo, sinamahan ako ng aking ama sa bundok Krakra. " Ipapakita ko sa iyo ang kayaman ng kagubatan, nakikita mo iyan, lahat iyan ay bigay ng Diyos na dapat nating ingatan" ang sabi ng ama. "Kulay berde lahat itay, ang ganda!!" Ilang bundok na din ang aming naakyat, pero ito ay kakaiba. Bundok Krakra. "Bakit lagi tayong nasa bundok itay? ang tanong ng bata. "Dahil dito malapit tayo sa kalikasan, malayo sa kaguluhan, mapayapa at puno ng katamikan." Ang sagit ng ama. 

Bundok Krakra, na iningatan ng mga ninuno natin. Dito sa bundok na ito ipinagtanggol ng aking bansa sa mga kaaway na taga ibang ibayo na gustong kuhain ang lupain na para saking lolo, lola at mga magulang. Ito ay dapat mong ding ingatan dahil ito ay para sa iyong magiging anak pagdating ng panahon.

Madugong labanan ang nangyari noon sabi ng lolo mo, maraming dumanak ang dugo para lang maipagtanggol ang ating bayan. At sa bundok Krakra na ito dito sila nagpatayo ng malaking pader na semento dahil sa loob nito ay isang malaking kastilyo na ang mga nakatira ay mga sinaunang tao. Ang kanilang pinuno ay matikas at matapang, wala silang inurungan. "Bayan ko, akin ito! Walang sinuman ang makakaangkin ng kahit sino mang dayuhan" Sugoooood!!!!! Pyaw boom!@# Boom@#$ maraming bomba ang pinakawalan. Pero hindi nagpatalo ang pinuno ng aking bansa. Malakas din ang kalaban, subalit hindi sila sumuko hanggat hindi nila nauubos ang lahat. 

Hindi nagtagal silang lahat ay nagdiawang, natalo ang kalaban at aking mga ninuno ang nakinabang. Ang lolo ng lolo ko ay nagdiwang dahil sa kalayaang nakamtan." Anak, ipaglaban mo ang iyong karapatan kahit saang dako ka man ng mundo mapunta. Pero piliin mo ang iyong mga pakikibaka, dahil hindi lahat ng laban ay dapat labanan, minsan ang mahinahong usapan ay husto na para makamit ang kapayaan.

Naglakbay kami ni itay hanggang ipinakita niya ang watawat ng inang bayan "Nakikita mo iyan? Iyan ang  simbolo ng tagumpay ng aking mga ninuno sa kanilang pagtatangol sa aking inang bayan. Sabi ng ama na maluha luha. "salamat itay, hindi lang ang kalikasan ang dapat nating ingatan, kundi ang istorya ng ating bayan. Iingatan ko ito, at laging tatandaan na ang pagmamahal sa bayan, kalikasan, at pagmamahal sa sariling kultura ay isang malaking kayamanan."

Umuwi kami ni itay, matapos ang ilang oras na paglalakbay. Salamat at ipanakita nya sa akin musmos na edad ang mga bagay na dapat kung ingatan.

Ang lahat ay inaanyayahan kong makisali. Tara na at makilabay kay @shikaka. Itong kwento na ito ay medyo base sa totoong pangyayari, hindi man eksakto. Wala akong maisip kundi itong maikling kwento na aking naranasan at ibinahagi namin sa aming anak  Sa Krakra Pernik Bulgaria. Iba-iba man tayo ng pinagmulan o buhay, madami tayong matutunan sa mga manlalakbay na sinimulan ni @shikika

Grabe medyo naging seryoso ata ako dito lols hahaha. Salamat kay @shikika. Ibang paglalakbay ito sis bwahha. Tara sinong gusto makilakbay, baka may kwento kayo na gustong ibahagi sa amin. Tags #sali #pilipinas

Kuminang ka na parang ginto! (hirap i translate ng keep shining lols)

Please continue to support @surpassinggoogle
If you haven't vote your witness yet, vote Terry now!
Write @steemgigs >>>https://steemit.com/~witnesses

Yours truly,
The village girl @sunnylife by the Steemian Ocean


H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center