Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon - Pagpapakilala sa Aking Mga Makakasama

Naiisip ko pa lamang na mag-isa akong maglalakbay patungo sa dako pa roon ay sobrang nakakalungkot. Kaya napagpasyahan ko na mag-aanyaya sa gustong makisabay sa aking paglalakbay. Lubos ang aking galak at tuwa na nadarama dahil meron sumagot sa aking paanyaya. Si @tagalogtrail ang unang nagpahayag na siya'y magiging tagasubaybay na lamang sa aking paglalakbay. Buti na lang hindi nag-atubili sina @jennybeans @yennarido @sunnylife na ako'y samahan. Nakakataba ng puso na meron handang makisabay sa akin patutunguhan. Tiyak na magiging masaya ang aking paglalakbay. Huwag kayo mag-alala ako'y magdadala ng maraming pagkain para hindi magutom si @jennybeans. At hindi tayo maloka dahil sa gutom. Hahahaha

Para po sa kaalaman ng lahat ang mga naipakita kong larawan sa una at ikalawang bahagi ng aking paglalakbay ay nagsimula po kung saan ako ipinanganak, nagkaisip at lumaki. Yun po ay sa aking mahal na pinagmulan sa "Barugo, Leyte".

image

Sa Barugo, Leyte ako nagmula. At ngayon ay patuloy na naglalakbay. Ngunit hindi ko pa rin alam kung saan ako patungo? Hindi ko pa rin alam ang dako pa roon.

Hanggang sa nakisabay sa akin si sissy @sunnylife. Ako'y kanyang dinala sa napakagandang bundok Krakra ng Bulgaria. Kay ganda ng aking nakikita, napakasariwa ng hangin, napakatahimik, ang ganda ng kwentong tagumpay na bumabalot sa bundok Krakra. Salamat saiyo @sunnyife at kami'y iyong dinala sa bundok Krakra patungo sa dako pa roon.

@jennybeans @yennarido daanan namin kayo ni @sunnylife patungo sa dako pa roon. Si @akoaypilipina @lunamystica ay nagpahayag na rin na gustong sumabay sa atin paglalakbay. At marami pa ang gustong sumama patungo sa dako pa roon. Tiyak ako na magiging masaya ang ating paglalakbay.

Para lalong maging masaya ang aking paglalakbay, inaanyayahan ko kayong lahat na makisabay sa ang aking paglalakbay patungo sa dako pa roon. Inaanyayahan ko ulit sina @chibas.arkanghil @natz04 @ellechim0816 @carlo1974 @sheuan @noel101 @flordecar26 @maddie30 @nante @betbet @bing2 @jemzem @mallowfitt @leeart @giemijares @fherdz @iamdeth @gwenbyyy @jenel at maraming pang iba. Atin yanigin ang buong daigdig. Sabay sabay natin tuklasin ang dako pa roon upang sabay sabay natin marating. Hahahaha

Kung sino man ang gustong makisabay patungo sa dako pa roon mag komento po lamang at gumamit ng #sali #pilipinas sa inyong paglalakbay upang kayo'y amin masundan at hindi tayo magkahiwa-hiwalay sa ating paglalakbay. Inaasahan ko po ang inyong pagsali sa pagtuklas kung saan ang dako pa roon.

Simple lang naman ang dapat natin gawin. Maglakip po lamang ng isang larawan kung saan niyo kami dadalhin patungo sa dako pa roon. Kahit ano ay pwede dito. Pwede tayo maglakbay sa tubig, pwede rin sa lupa kasama ang kabundukan at kagubatan, pwede rin sa himpapawid. Kung anuman ang inyong ibinahaging larawan, ito'y inyong bigyan buhay ayon sa inyong nakikita at naging karanasan. Sapagkat ang mga eto ang magdadala sa atin sa dako pa roon.

Itutuloy at abangan po ninyo ang aming paglalakbaysa patungo sa dako pa roon.

Sa mga hindi nakasabay sa aking paglalakbay patungo sa dako pa roon, narito ang mga naging paglalakbay:

Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon - Unang Bahagi
Paglalakay Patungo Sa Dako Pa Roon - Ikalawang Bahagi
Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon - Mt Krakra Pernik Bulgaria @sunnylife

Omg! Bakit ako nagsusulat ng ganito? Nahawa na pala ako sa kajologans ni sissy @sunnylife. Hahahahaha. Hindi ko alam kung saan patutungo. Hindi ko alam kung ano ang nasa dako pa roon? Hahahaha. Naging Sisa na ata si Shikika. Nyahahaha

I am grateful being crazy. Hahahaha. 😀😀😀💖💖💖

Be grateful in every little/simple things and you'll find happiness you ever wanted! 😀😀😀

Everyday is worth to be grateful of!

How about you? What's your #gratefulvibes story for today? Join the #gratefulvibes community challenge of @paradise-found as it is extended forever. You can share yours and show to Steemit world how grateful you are. Feel free to comment and share. See you around! 😀😀😀💖💖💖

Let the #teardrops of gratefulvibes begins! 😀💖

P.S. Please support my witness @surpassinggoogle who inspire me continue what I started. To vote visit,
https://steemit.com/~witnesses
Type "steemgigs" as a witness in the search box then vote as shown below:

image

Yours truly,

@shikika with much love 💖💖💖😀😀😀

Keep steeming! 😀😀😀

image

image

U5duDsPLWVkRfhiP758pZa8Qhn95oFE.gif
DQmarWRv4wXiqPZbmtDCDRTwE5jewDQrG1ATrXcFrTThxht.gif

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center