Paglalakbay Sa Dako Pa Roon ni @shikika: Ang Bayan ng ANGAT , Bulacan

Masaya ang maglakbay na may kasama kaya naman ng imbitahan ako nina @shikika sa dako pa roon sumama din ako sa kanilang paanyaya.

Madami din ang aming narating kasama sina @sunnylife na ipanakita nag ganda ng bundok KraKra sa Bulgaria -bagamat napakalayo narating pa din ng mga #steemitdora ang lugar , sa patuloy naming paglalakbay nakarating kami sa Saranggani kina @jennybeans, kasama ang probinsya ni @yennarido na aming pinasyalan ang lamig sa batis na aming pinasyalan , hindi nga lang ako nakaligo dahil sa sobrang lamig ng pakiramdam ko, pero ng pumasyal kami sa Camarines Sur At Villasis Pangasinan kina @lunamystica at @akoaypilipina napawi ang lamig na nararamdaman ko dahil sa ganda at lawak ng lupain na taniman sa Iriga at dahil sa layo ng lakbayin inabot na kami ng gutom kaya naman sarap na sarap ako sa pakbet na nakahain kina @akoaypilipina.

Dahil gusto ko din na ipakita sa kanila ang aking bayang pinagmulan .Inanyayahan ko sila sa dako pa roon sa bayan ng Angat ,lalawigan ng Bulakan,ang bayang aking kinagisnan....Tara na at ng makarating tayo ng maaga pa sa amin ang aking nasambit sa aking mga ka dora explorer hahahah .Nakakatuwa nga sumakay lang kami sa pampasaherong bus papuntang bulakan ,hindi na yata sanay si @jennybeans sa byahe nahilo siya ng konti , pero ng makaamoy sya ng dala kong katinko napawi ang pagkahilo nya pamahid sa hilo yun lagi kong dala pampaalis hilo hehehe.Pagbaba ng bus nakita nila agad ang aming munisipyo.

angatmunicipalty.jpg

Kasunod nun dumaan kami sa Sta Monica Parish Church , isa sa dinadayo na simabahan dito sa bulakan dahil sa ganda ng arkitektural na disenyo nito. Hindi na kami nakapag selfie dito kasi nagugutom na ang aking mga kaibigan.

stamonica.jpg

Dahil gutom na din kami kumain muna kami sa amimg munting bahay .Naku tuwang tuwa sila kasi masarap din ang simoy ng hangin sa Bulakan at tahimik sa aming lugar lalo na sa loob ng aming bahay kasi walang tao sa sala hahaha , Nahihiya sila kapag may bisita kaya nasa kusina sila at naghahanda ng aming pananghalian.

house.jpg

Hahaha!!...Nakita nyo ang sala ng aming bahay walang katao tao ...nagtatago sila sa mga bisita .

food2.jpg

Ayan na mga ka #dora naka hain na ang ating pananghalian .

Pagkatapos ng konting kwentuhan pumasyal kami sa baryo ng Pandi kung saan matatagpuan ang GK -Gawad Kalinga Enchanted Farm, ang mga kababayan natin ay nagtatanim ng mga organik na halaman at ibat ibang klase ng hayop na maaring ibenta na syang pinagkukunan nila ng pagkakakitaan.Napakasaya namin dito nagkuhaan ng pictures,selfie dito selfie doon hahaha!!! Si @shikika nakipag bonding pa sa mga alagang baboy ng mga tiga GK ,hindi ko alam magiliw pala sya sa baboy hahaha at pati mga bata na nag visit sa GK giliw na giliw sila!!!Si @sunnylife at @lunamystica naman nakikipag tsikahan sa mga tagapag alaga ng halaman.Parang ayaw na nila umalis sa lugar na ito.

Sinabihan ko na lamang sila na may isa pa kaming pupuntahan ang Angat dam,para makita din nila ang dam na syang nagbibigay ng halos 90% tubig sa buong kamaynilaan .

enchanted-farm.jpg
Source : Gk Enchanted photo

gk biik.jpg
Source : Gk Enchanted photo

kioskGK.jpg

Eto nga pala ang mga produkto na kanilang binebenta para sa kanilang pangkabuhayan. Nakakatuwa na makatulong sa kanila.

angat-dam.jpg

Eto daw pala ang itsura ng Angat dam sabi ni @akoaypilipina kay@yennarido.Napakasariwa ng simoy ng hangin at ang tubig napakalinis ,kay sarap pagmasdan ang pagaspas ng tubig .Kung pwede lang mag swimming lumubog na sana kami ang nasambit ng aking mga ka #dora hahahaha!!!..pero sorry hanggang tingin lang tayo.Sa susunod na pagpasyal natin sa dako pa roon marahil mapupuntahan natin ang iba pang yamang tubig na pwede tayong magtampisaw .

Hanggang dito na lamang muna ang aming pamamasyal at may pasok pa ako , nag bakasyon lamang ako ng 2 araw para magbigay oras na samahan ang aking mga kaibigang #dora. Sana , makasama din kayo sa dako pa roon , sbi nga ni @shikika mas madami mas masaya , kaya ano pang hinihintay nyo mga ka #steemitdora halina't samahan kami sa dako pa roon.

Thanks for dropping by!!!

#steemph, #steemitpowerupph, #steemph-bulacan, #gratefulvibes, #steemitfamilyph

logosteemitfamily.jpg

logosteemph.png

poweup.gif

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center