Taman Na, Bitaw Na!

Tama na bitaw na nagmumuka ka nang tanga
wala ka nang lugar sa buhay niya
At tama na bitaw na
Kasi wala ng pag-asa.

Sinabi ko sa sarili ko dati na hindi ako mapapagod Sinabi ko sa sarili ko dati na hindi kita susukuan
Sinabi ko sa sarili ko dati na ipagpapatuloy ko pa 'to
Pero tama na bitaw na Nakakapagod din pala.

Nakakapagod din pala maghabol
Nakakapagod din pala mabaliwala
At nakakapagod din pala magpakatanga
Kaya tama na, bitaw na.

Ayaw kitang sukuan
Ayaw kitang bitawan
Ayaw kitang iwanan ng tuluyan
Dahil naalala ko yung pangako ko sayo
Pangakong hindi kita iiwan at aalis sa tabi mo
Naaalala mo pa yung mga katagang yan?
Yung mga katagang tumatak sa isip ko
At nakaukit sa puso kaya patuloy akong lumalaban

Pero dumating sa puntong tinanong ko ang sarili ko sa mga katagang ito,
Tama pa ba?
Tama ba tong ginagawa ko?
Tama ba 'tong ipinaglalaban ko?
Tama pa bang ipagpatuloy ko to kung ikaw mismo ang bumitaw dito?

Mahal patawad ngunit ako'y pagod na
Mahal patawad ngunit hindi ko na kayang isalba pa
Oh paano ko ba ito isasalba kung ikaw mismo,
Kung ikaw mismo ang bumitaw sa ating dalawa
Kaya tama na, bitaw na!

ff.jpg

89.png

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now