Kahirapan


Isang kahig isang tuka ang sambit ng maralita
Pagkain sa araw-araw ang iniisip ng ama’t ina
Palahaw ng mga paslit na ang tiyan ay gutom na
Tipikal na pamilya sa sustansya ay salat nga.

Ito pa ang isa sa aking pinagtataka
Kay hirap na nga ng buhay ang anak ay lima pa
Hindi ba nila naisip ang panggatas ng mga bata
Kaya naman lumalaking sakitin at patpatin pa nga

Imbis na mag-aral, sa kalsada ay mga nakakura
Nanlilimos at nanghihingi ng awa sa iba
Naghihintay na may maglaglag ng munting barya
Upang may ilaman sa kumakalam na sikmura

Huwag nating idahilan ang kahirapan upang hadlangan ka
Hindi natin kasalanan kung pinanganak na mahirap pa sa daga
Ngunit kung sa pagtanda ay walang tayong ginawa
Karapat-dapat nga na tayo’y kaawaan ng madla.

rafal.png

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center