"Ikaw Lang Ay Maangkin" : A Filipino Poetry

"Ikaw Lang Ay Maangkin"

images (2).jpeg


Pag-ibig ko sayo'y di ko maamin
Ako'y nadadala sa bugso ng damdamin.
Hinihiling sana ikaw ay mapasaakin
Mundo mong marupok ay tatahakin.

Kalaliman ng dagat ay tatawirin
Mga tala at bituin ay susungkitin
Kadiliman ng mundo'y bibigyang liwanag
Di ka iiwan hanggang araw ay sisinag


Tahakin natin ang tadhana ng sabay
Hamaking sabay ang agos ng buhay
Himurin ang mundong ibabaw na taglay.
Hayaan ang madla sa atin ay maghintay.


Mga kabundukan ay aking susuungin
Lahat gagawin "Ikaw Lang Ay Maangkin"
Mga luha mo noo'y aking papawiin
At papalitan ng ngiting ningning ng bituin.


love_is____just_you_and_me_together_by_candylishus-d7420r0.jpg


Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)

Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.

Sasusunod Uli. Maraming Salamat!

Jassenn

Photocredit : 1 2

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center