Ang @steemph.cebu ay kabilang sa proyektong itinatag ng @sndbox, ang "proyektong sndcastle". Bilang isang sndcastle, gusto ng @steemph.cebu na gumawa ng mga uri ng paligsahan o patimpalak kung saan maipapakita ng mga Pilipinong Steemian ang kanilang kakayahan sa pagsulat ng kahit anong klase ng literatura. Ito rin ay isang paraan para magkaroon ng interaksyon ang mga Pilipino sa isa't isa. Hinihikayat namin ang lahat na Pilipinong Steemian na lumahok sa mga paligsahang bubuohin namin sa Steemit. Ito ay para sa inyo! Palawakin ang Wikang Filipino!
Ano ang isusulat?
Maikling Kuwento
Dapat hindi hihigit sa 200 na salita at hindi bababa sa 100 na salita.
Tema ng Tula
Trahedya
Mga Alituntunin na dapat sundin sa pagsali
- I-resteem at i-upvote itong post.
- Ang gawang literatura ay dapat isulat sa wikang Filipino
- Gamitin ang tag na #literaturang-filipino at #trahedya
- Ilagay sa pamagat ang: "Literaturang Filipino"
- Gumawa lang ng isang nilalaman o gawa.
- Ilathala ang gaw sa loob ng 6 na araw pagkatapos malathala ang anunsyo.
- Basahing mabuti ang mga alituntunin at sundin ito
Pagbabasehan ng Mananalo
Ang pagbabasehan ng mananalong gawa ay:
- Dami ng mga salita o pangungusap o parilalang ginamit at ang kagandahan ng pagsulat gamit ang mga salita.
- Ganda ng pagkagawa
- Kaugnayan sa Tema o Paksa at
- Dami ng boto galing sa ibang Pilipino
Gantimpala
May tatlong mananalo sa paligsahan:
- 1st - Makatatanggap ng 7 SBD
- 2nd - Makatatanggap ng 5 SBD
- 3rd - Makatatanggap ng 3 SBD
Mga naunang patimpalak sa pagsusulat
Layunin ng @steemph.cebu na maibuklod ang kumunindad ng mga Pilipino sa buong Steemit. Suportahan ang @steemph.cebu at ang @sndbox.