Literaturang Filipino: "Bagsik Sa Likod Ng Ganda"

image

Bagsik Sa Likod Ng Ganda

Ilang taon na nga ba ang nakalipas? Halos sariwa pa rin ang mga alaalang nakaukit sa isipan. Sa araw-araw kitang pinagmamasdan dahil sa angkin mong kagandahan hindi ko lubos akalain ang bagsik na iyong dala. Sa tuwing ako'y nalulungkot at may problema, kinakausap kita upang maibsan ang bigat na dinadala. Ngunit bakit ikaw ang nagbigay ng masamang alala? Sa dinami-dami ng buhay na nawala, bakit ang iyong ganda ay lubos na kaaya-aya? Hanggang ngayon marami pa rin ang hindi nakikita, kabilang na ang iba kong kamag-anak. Sa bawat pagsulyap ko saiyo ramdam ko ang pait na ibinigay ng bagyong Yolanda. Sa kaibuturan ng aking puso alam kong marami ang sumisigaw at humihingi ng mataimtim na dasal upang sila ay makarating sa kanilang paroroonan. Nawa'y matahimik na ang humahagulhol at sumisigaw katulad ng hatid mong katahimikan ngayon. Hangad ko ang kapayapaan at katahimikan sa mga nawala at nawalan. Hangad ko rin ang patuloy na pag-ahon at pagpapakatatag ng mga taong nakaligtas at patuloy na humaharap sa hamon ng buhay. Nawa'y patuloy pa rin umasa sa magandang bukas at hinaharap lalung-lalo na hindi makalimot sa Poong Maykapal. Dahil Siya ang ating Lakas at Sandigan sa lahat ng oras.


Mag-alay po tayo ng ilang minuto para magdasal sa mga namayapa at naging biktima ng bagyong yolanda. Apat (4) na taon na po ang nakalipas ngunit marami pa rin ang hindi na nahanap.

Hanggang dito na lamang po mga kababayan. Nawa'y nagustuhan niyo ang aking nailathala. Maraming-maraming salamat po sa lahat.

P.S. Please support my witness @surpassinggoogle who inspire me continue what I started. To vote visit,
https://steemit.com/~witnesses
Type "steemgigs" as a witness in the search box then vote as shown below:

image

Yours truly,

@shikika with much love 💖💖💖😀😀😀

Keep steeming! 😀😀😀

image

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center