Literaturang-Filipino: Karahasan Sa Kalikasan

... ni @ryancalaunan

images (3).jpeg

Nabalot ng kasakiman at kapabayaan ang mga taong naninirahan sa bayan ng Olongapo. Walang humpay nilang pinutol ang mga punong-kahoy sa kanilang lugar, patuloy ang pagtapon ng basura sa ilog at paggamit ng dinamita sa pangingisda.

Isa si Fe sa mga naninirahan sa bayan ng Olongapo. Batid niya ang mga nangyayari sa kanilang lugar na labis niyang ikinatatakot sa maging kahihinatnan ng kapabayaan ng mga tao.

"Diyos ko! Tulungan niyo po ako. Gusto kong mabago ang takbo ng bayan na ito. Labis na kasakiman at kapabayaan na ang nangyayari dito." Sabi ni Fe habang nakaharap sa altar.
"Kailangang may gawin ako."

"Tigilan niyo na po ang ginagawa niyo! Magbago napo kayo! Baga pagsisihan niyo ang mga ginagawa niyo", pasigaw na sinabi ni Fe ang mga salitang ito sa mga taong patuloy ang pagpuputol ng mga puno, ngunit, binaliwala lang ng mga tao ang kanyang sinabi. Pinagtatawanan pa nga siya ng karamihan. "Uy Fe, kung makapag-salira ka ng ganyan, eh parang hindi ka naka benipisyo sa mga pinaggagawa namin! Hahahaha" pasigaw na sinabi ng isa sa mga taong nagputol sa mga punong-kahoy.

Naubos ang mga puno at kahit isang puno ay wala ng natira. Napuno ang mga ilog ng mga basura at wala naring isdang natira.

Dahil sa karahasang ginawa sa kalikasan, ito'y nagbunga. May parating na bagyo sa kanilang lugar. Bumaha ng halos 10 talampakan ng tubig. Marami ang namatay at nasugatan sa pangyayaring naganap. Kinalauna'y lahat sila ay nagsisi.

Pagkatapos nito ay nagkaroon ng "El Niño". Labis silang nagdurusa. Huli na ang lahat. Marami ang namatay sa uhaw, gutom at init. Wala ng tubig. Wala ng isda. Namatay lahat ng pananim nila.

"Di ba, sinabi ko sa inyong tigilan niyo na ang pang-aabuso sa kalikasan? Hindi kayo nakinig", ang sabi ni Fe sa pagpupulong na naganap.

"Humihingi kami ng paumanhin sa iyo Fe, labis na kaming nag-sisisi ngayon."

Isang napakalaking aral ito sa atin. Magbago na tayo!

Ngayon, si Fe ay isa ng Alkalde sa kanilang lugar. Isa na siyang may-ari ngayon ng "Green Life Foundation" na naglalayong mapangalagaan ang kalikasan.

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center