Literaturang-Filipino : Kalayaan sa Karahasan


photocredit

Kalayaan sa Karahasan : Maikling Kwento

Gabi-gabi maraming tao ang nanunuod sa akin. Gabi-gabi marami akung nakikilala mapababae man o lalaki. Gabi-gabi ay sumasayaw ako sa entablado. Nakasuot ng maikling palda at bra. Gabi-gabi ko itong ginagawa sapagkat ito lang tanging kung naisip gawin.

Ako nga pala si Bela hindi ko tunay na pangalan. Maganda raw akung babae sabi ng mga kalalakihan kasi malaki ang dibdib ko at kurbada ang aking katawan. Mahal ako ng nanay ko na paralisado, hindi na siya makapaglakad at makapagsalita ng maayos. Mayroon parin naman akung tatay na nagtatrabaho sa umaga at umiinom sa gabi. Yung sweldo niya ay hindi para sa amin kundi para sa alak niya. Kaya napilitan akong magtrabaho kahit 17 na taong gulang pa ako. Hindi na ako nag aaral sa kabila ng kahirapan at nagtatarabaho ako gabi-gabi para may ipangbiling gamot para sa mahal kong Ina.

Nagtratrabaho ako bilang isang tagapagsilbi o mananayaw sa isang bar. Alam ko hindi marangal ang trabahong ito pero mas madali ako makakita ng pera kasi malalaki ang ibinibigay ng mga lalaki at iba pa, na may kung saan ay sakto lang naman para pambili sa gamot ni Ina.

Sa pag uwi ko sa amin ay palaging nag aabang si Itay sa sala. Kung saan ay naging nakasanayan niya na ilabas ang galit niya sa akin. Suntok dito, suntok doon. Sipa sa tiyan, sipa sa tagiliran. Wala akong magawa kundi ang umiyak nalang kahit gustong gusto ko ni siyang sumbatan. Pero hindi ko gagawin kasi baka lumayo ang loob ng nanay ko sa akin. Siya nalang ang kaisaisang tao ang tumatanggap sa aking pagkatao.

Kinaumagahan ...

"Magandang umaga po Inay! Kain na po tayo." Masaya kong bati kay Ina...

"A-a-ano-anong nang-nangyari di-diyan sa-sa mu-muk-ha mm-mo? Pilit na sinabi ni Ina...

"Nako nay, nahulog ako sa pinagtratrabahuan ko. Akala ko kasi matigas yung tinatapakan ko. Kaya ayon nauntog yung mukha ko sa sahig" sagot ko...

Gusto-gusto kong umiyak sa harapan ng nanay pero ayoko ipakita sa kanya na mahina ako. Araw-araw ko siyang pinapaliguan, pinapakain at dinadamitan. Naglilinis at nagaayos din ako sa bahay kasi yun ang trabaho ko sa umaga. Aalis na sana ako sa amin kaso naabutan ako ng aking tatay na lasing na lasing galing sa kanyang trabaho.

"Saan ka na naman ba pupunta?!" pagalit niyang sinabi...

"Magtatrabaho po tay" sagot ko...

"Bakit ba ganyan palagi ang sinusuot mo?! Gusto mo bang pagtawanan at bastosin ka ng mga tambay diyan?! Umayos ka nga!!" Sabay tapon sa bote ng kanyang iniinom kung saan natamaan ang labi ko...

Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa aking tinatrabahoan. Umiiyak at pilit na tinatanggal ang dugo sa aking mga labi. Nasabi ko sa sarili ko

"Buti nalang at dinala ko ang gamit ko. Maitatago ko pa tung pasa ko."

Umuwi ako sa amin ng alas 2 ng madaling araw nagbabasakaling tulog na si tatay. Pero nagulat ako sa pag bukas ko ng pinto ...

"Ba-ba-kit nga-ngayon ka-ka l-lang um-mu-wi?" Sabi ni Inay...

Wala akong maisagot sa kanya kundi ay niyakap ko siya ng mahigpit at tinabihang matulog. Dun naramdaman ko na mahalaga parin ako sa kabila ng lahat. Makalipas ng isang buwan ay isang malaking kaguluhan ang nangyari. Ginising ako sa sigaw ni tatay sa pangalan ko. Ginising ako sa ingay ng mga tao at ambulansya sa labas. Ginising ako ng utak ko ng makita ko si nanay na nilagyan ng oxygen upang makahinga.

"Ano nangyari tay?!" Tanong ko kay tatay habang umiiyak...

"Tumabi ka nga!" Sabay tulak sa akin...

Sa araw na iyon nagpagtanto ko lahat. Lahat ng hirap, pagod at pasa. Di bali ng mamatay ako sa suntok at tadyak galing sa tatay ko, wag lang mawala ang nanay ko. Ilang oras ay kinausap kami ng doktor

"Malaking pera ang kakailanganin niyo dito" sabi ng doktor...

"Okay lang dok basta bat gagaling ang nanay ko" sabi ko...

Pag uwi ko sa amin ay agad akong nag ayos. Nagpaganda at sinusuot ko parin ang aking uniporme para sa aking trabaho. Hindi ko akalaing naka abang si tatay sa pintuan ng aking kwarto.

"ANO BANG NASA UTAK MO MARTIN?! ALAM MO NAMAN NA NAOSPITAL ANG NANAY MO! PUROS KALOKOHAN ANG MGA GINAGAWA MO!" Pasigaw niyang nasabi...

"Tay, nagtatrabaho po ako. Para may ipambayad tayo sa ospital ni nanay. Hindi to para sa ak..."

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil suntok, sipa at tadyak ang naabutan ko. Lahat ng naramdaman niya sa araw na iyon ay napunta sa akin. Lungkot, galit, konsensya .. lahat lahat ay sinumbat niya sa akin.

Nag hagulgol ako sa pag iyak at nagkaroon din ako ng pagkakataong magsalita.

"Alam ko BAKLA ako Itay! Alam ko yun at tanggap ko yun. Lahat ng suntok at sipa. Lahat ng pasa sa aking katawan tanggap ko yun. Ang hindi ko lang maintindihan ay hanggang kailan? Hanggang kailan ko ito mararanasan? Ilang suntok at sipa pa ang kailangan kong pagdusahan para matanggap mo lang ako?"

"Kahit hindi bilang anak pero bilang isang tao. Nagsikap ako hindi para sa akin kundi para sa inyo at kay nanay. Nirespeto at tinuri parin kitang tatay sa kabila ng lahat. Kasi pamilya parin kita. Pero hindi na ito tama". sabi niya...

Sa kabila ng karahasan na nangyari sa buhay ni bela na ang tunay na pangalan ay Martin. Hindi siya sumusuko, makalipas ng ilang buwan ang nag desisyon si Martin na lumipat ng tirahan kasama ang kanyang Ina. May disente na rin siya trabaho kung saan ay nakakaraos din sa buhay. Ang tatay niya ay umalis na hindi niya alam kung saan pumunta pero isa lang ang naramdaman niya. Ang kalayaan .. kalayan sa karahasan ng kanyang Ama. At kalayaan sa pagpili ng pagkatao niya.

(934 na mga salita - 5,346 karakter)

Maraming salamat sa Pagbasa!

bibicover (1 of 1).jpg

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center