Literaturang Filipino: Si mandarayang Juan

IMG_20180317_155407_604.jpg

Minsan sa ating buhay ay marunong tayo magdisiplina, mag-isip at magmahal sa sariling kakayahan. At dapat marunong din tayo mamili ng makakaibigan.

Si Juan ay isang matalino na bata. Noong nasa elementarya pa siya ay lagi siya ang nangunguna sa klase at marami siyang parangal natanggap. Kaya nga sa kanyang talino ay di naman niya maiwasan na may tumutukso sa kanya dahil raw ay may tigyawat siya sa mukha at tinatawag pa na pinipig pero sa totoo lang hindi naman ganun karami. At walang magawa ang munting paslit kundi iiyak na lang.

Isang araw ay nagbago na si Juan at nakikipaghalobilo na siya sa mga kaklase na mahilig manukso sa mga walang kalaban laban na estudyante. Nagbibigay na siya ng mga sagot sa kanyang barkada at higit sa lahat, nagiging mandaraya na siya sa tuwing may pasulit. At hanggang sa nakasanayan na niya ito. Napasaya niya ang mga magulang niya dahil matataas daw ang kanyang mga marka sa kabila ng lahat niyang maitim na gawain.

Lumipas ang ilang taon.Magkokoloheyo na siya at napagpasyahan siya ng ama niya na mag aral ng mabuti at magiging pulis raw si Juan. Walang magawa si Juan kundi sundin ang mga sabi ng kanyang ama. Sa unang taon niya sa kolehiyo ay maganda pa ang kanyang mga marka dahil hindi pa siya napapakaibigan sa mga kaklase niya. Nagkanobya siya at labis niya tong minahal pero iniwan din siya dahil may pinagpalit palit si Juan sa ibang lalaki.

Nasasaktan ng labis si Juan kaya bumalik siya sa kanyang pagkamandaraya at mas malala na ito. Nalulong siya sa online games at hindi na siya pumapasok ng klase. Lagi siyang humihingi ng pera sa kanyang mga magulang para daw ibabayad niya sa aktibidad nila na crossfire at Rules of Survival na akala talaga ng kantang mga magulang ay parte ito sa kanyang kurso na criminologies. Subalit hindi ito nagtagal dahil may nagsumbong sa kanyang mga gawain.

Dahil binigo niya ang tiwala ng kanyang ama.Pinatigil na siya sa pag-aaral. Hindi niya alam na sa kanya ang pinakamalaking kabigoan at higit sa lahat dinaraya niya ang kanyang sarili.

"Ang opportunidad na makapag-aral ay isa sa mga malaking investment mo sa buhay at wag itong sayangin dahil ang edukasyon ay hindi naaagaw sa iba." sabi ng karamihan.

Ang inyong tagapaglingkod,
@jenel

Maraming salamat po sa inyong patimpalak @steemph.cebu at sponsors dahil naibahagi ko yung maikling kuwento ko na tungkol sa kabigoan.

GOD BLESS STEEMIANS 😊

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center