Literaturang Filipino: Ang Tagumpay Na Aking Nakamit

Ako nga pala si Elthon Jay Navares o kilala bilang si @ejnavares dito sa Steemit Community. Ako ay magmula sa isa sa mga barangay ng Carcar City, Cebu ang Barangay Napo. Pero ngayon ay nandito sa Lapulapu City,Cebu upang mag-aral ng kolehiyo. Alam kong karamihan sa atin ay kalimitang naaantig agad sa mga kwento ng buhay lalo na pag ito ay dumaan muna sa isang masakit na pagsubok saka nagkamit ng tagumpay. Totoo yun, ngunit kahit di gaanong masakit ang aking napagdaanan sana makapulutan ninyo ito ng aral. Ibabahagi ko po sa inyo ang aking natutunan sa buhay noon at ngayon sa pamamagitan ng tula na aking nalikha.

Noong ako pa ay bata,
Ang tanging nasa isip ay tuwa.
Ngunit nang maglaon,
Buhay ay nagkaroon ng maraming tanong.

Mga katanungan na sa pamilya unang nasagot,
Hanggang sa eskwela ay pinasok.
Ako ay simpleng mag-aaral lamang,
Na ang pangarap sa paglaki pamilya ay maigapang.

Di man kami sa pera pinagpala,
Pero nakapagpatuloy dahil sa tiyaga.
Aking ama ay nakapagtapos nga ng kurso sa pagtuturo,
Ngunit ang kapalaran hindi sa pagtuturo nagtungo.

Kaya ganoon parin ang lagay,
Nanatiling nakikibaka sa mga pagsubok ng buhay.
Kaya sa natutunan ko sa naranasan ng aking ama,
Ako ay nagpursige upang balang araw sila mapasaya.

Mga panalo at tagumpay sa buhay,
Patuloy na kinakamit para sa kanila ialay.
Dahil sa mga gintong medalya na aking naiuuwi,
Kanilang pagod ay aking napapawi.

Doon ko napagtanto,
Na sa buhay dapat ikaw ay may napapanalo.
Kasi kapag ikaw ay palaging natalo,
Masasabi nila "di lang ikaw ang natalo kundi tayo".

Kung sa iba man ay iyong ihambing,
Kahit hindi man ganoon kagaling,
Ay may maibuboga rin,
At maipagmamalaki din.
10375101_380020102183236_5933200495113936414_n.jpg
Huwag lang lumaki ang ulo,
Dahil sa kung gaano kataas ang iyong natamo,
Ganoon din kasakit ang ibabagsak mo.
Manatiling mapagkumbaba,
Para balang araw hindi luluha.
11076257_380020422183204_8219989516667695228_n.jpg
Hindi man sa nagmamalaki ako, pero noong nag elementarya hanggang sekondarya ay isa ako sa mga nangunguna sa klase. Para sa akin at sa pamilya ko, ito ay matatawag na tagumpampay. Lalo na noon nagsimula akong magkolehiyo, nagamit ko ang aking naging grado sa sekondarya upang magkaroon ng isang iskolarsyip. Ito ay naging daan upang ako ay makapagpatuloy sa pag-abot sa mga pangarap. Lumaki man ako sa di gaanong modernong lugar at may luho, hindi ito naging hadlang upang ako ay mangarap at makipagsapalaran sa kabihasnan. Ngunit hindi talaga mapapangunahan ang panahon dahil minsan ko nang minaliit ang isa sa mga asignatura kaya ako ay muntikan nang bumagsak. Kaya ako ngayon ay hindi na masyadong kumkompyansa sa kahit anong bagay. Dito sa laro ng buhay, nasa sarili mo lang nakasalalay ang iyong pagkamit ng kahit anong tagumpay. Kapag ikaw ay may sipag at tiyaga, darating ang panahon na ikaw ay gagantimpalaan.received_1682758848456634.jpeg

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center