Literaturang Filipino: "Babangon At Babangon Pa Rin"

image

Ilang pagsubok at trahedya na nga ba ang dumating? Hindi ko na mabilang. Sa kabila ng lahat heto pa rin patuloy na nagpapakatatag at bumabangon. Pero ang pinakatumatak sa aking isipan ay ang mga pangyayari noong nagdaang bagyong Yolanda. Hindi ko lubos akalain na mangyayari ang ganoon sa aking minamahal na Leyte. Halos madurog ang aking puso sa lahat ng mga nabalitaan. Gusto kong umuwi upang malaman ang kalagayan ng aking pamilya. Dahil walang komunikasyon, walang balita, walang kuryente at nagkakaubusan ng pagkain. Nagdaan pa ang ilang araw bago ako nakauwi. Noong ako ay nakarating na ng Leyte hindi ko na makilala ang aking bayan. Wasak na wasak. Paano pa kaya makakabangon? Ang mawalan ng tahanan ay napakasakit. Paano na lamang yun iba na mag-isang nakaligtas? May lakas pa bang makabangon? Nakapanlulumo. Nakapanghihina.

Ang mga Pilipino ay likas na matatag at hindi basta-basta pinanghihinaan ng loob. Kahit ilang trahedya pa ang dumating babangon at babangon pa rin. Kaya natin!

Your new Steemian,

@bing2

image

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now