Literaturang Filipino | "Sugat ng Kahapon"

ae8615_3790a5b032d945dbaa8767207e463b86_mv2.jpg
source of image

"Apo may binili akong lolipop para sayo, halika dito lumapit ka kay lolo ng maibigay ko na sayo."

Ako si trina labing dalawang taon na ang nagdaan, pitong taong gulang palang ako noon. Matagal na panahon na ang lumipas, pero ang sugat sa puso ko dahil sa pangyayari andito pa din, naka-ukit pa din sa aking puso hanggang ngayon.
Anak ako sa pag-kadalaga ng aking ina at dahil sa hindi siya pinanagutan ng aking ama at hindi niya pa kaya ang responsibilidad iniwan niya ako kay lolo at lola. Mahirap ang buhay namin kaya naisipan ni lola na bumalik ulit sa ibang bansa, limang taon ako nuon ng iniwan ako ni lola kay lolo at dahil nga wala si lola at malayo nagawa ni lolo ulit mag-asawa. Mabait din ang aking bagong lola minahal niya ako bilang isang tunay niyang apo.
Lumipas ang dalawang taon at pitong gulang ako noon, si lola laging nasa palengke para mag-tinda habang si lolo naman walang ginawa kundi mag-inom kasama ang mga kaibigan niya. Naiiwan ako non kay lolo dahil wala namang ibang mag-aalaga sa akin, at si mama may bago ng pamilya at ito hindi niya ako nagawang kunin dahil may iba na siyang pamilya o dahil na din siguro sa hirap ng buhay noon.
Nung mga panahong iyon musmos pa ang diwa ko. Pitong taong gulang lang ako non, kakauwi lang ni lolo galing inuman lasing na lasing nang at ako ay tinatawig niya upang lumapit sakanya.

"Apo may binili akong lolipop para sayo, halika dito lumapit ka kay lolo ng maibigay ko na sayo."

Hinawakan niya ang mga balikat ko. Tulad niyo na dumaan din sa pagkabata ng mga panahong iyon ay bata pa ako mag-isip,nasisilaw din ako sa mga bigay na laruan at pagkain. Kaya nong sinabi iyon ni lolo mabilis akong lumapit sakanya. Habang kumakain ng lolipop nakita ko na sinarado niya ang bintana tsaka nilock ang pinto. Maya-maya pa ay hinubaran ako ni lolo at inihiga.
Di pa bukas ang isipan ko sa mga bagay na iyon, wala akong ideya sa ginagawa ni lolo. Bata pa ako noon, at di ko alam ang mga bagay na 'to, at kasunod non ay nakita kong nag-tanggal ng damit pang-ibaba si lolo. Pinaghiwalay niya ang mga hita ko at saka ipinasok ang matigas ma bagay sa pagkababae ko. Masakit. Mahapdi

Lolo masakit. Ano pong ginagawa mo? Nasasaktan po ako.

Lumuha na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ng aking laman, pero ramdam kong lalong bumibilis ang paglabas-masok sa akin ni lolo. Nararamdaman ko ang mabilis at maya-maya'y babagal at muling bibilis na pagkilos ni lolo sa akin. Nang matapos ay tumayo na siya at sinabing......

Apo hindi mo pwede sabihin kahit kanino na ginawa natin to. Magagalit sa akin ang lola mo lagot ka sakin.

Walang lumabas sa bibig ko upang tugunan ang sinabi ni lolo umiiyak lang ako non, umiiyak dahil sa takot sa banta ni lolo at umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman ng laman ko.

10881-child-abuse-trauma-full.jpg
source of image

Naulit ng naulit ang ginagawa ni lolo sa akin. Pag naka-alis na na si lola para magtinda sa palengke. Tinatawag ako ni lolo para gawin ulit ito sa akin, mas lumala pa ang naging sitwasyon ko dahil ngayon hindi lang si lolo ang bumababoy sa pagkatao ko kundi pati na rin ang kumpare niya na kasama niya lagi sa inuman.
Lumipas ang mga araw at nalaman ni lola sa kapit bahay ang mga pangbababoy sa akin ni lolo at ng kanyang kumpare. Ngunit dahil mahal ni lola si lolo hindi niya nagawang magalit dito. Tinawagan niya ang lola ko sa ibang bansa at kinuwento ang mga nangyare pero wala din nagawa si lola para makasuhan si lolo at ang kanyang kumparr ang tanging nagawa ng lola ko ay mailayo ako sa sitwasyon ko. Ibinigay ako ni lola sa kanyang kapatid nakaramdam ako ng saya dahil pakiramdam ko natapos na ang peligro sa buhay ko.
Labing dalawang taon na ang nagdaan ngunit sariwa pa din sa akin ang lahat ng kababuyan na iyon.
At ngayon, nasa kolehiyo na ako nag-sisipag mag aral ng mabuti para sa kinabukasan ko. Alam ko na ang pagkawala ng pagkababae ko ay hindi handlang upang makuha ang mga pangarap ko at magpatuloy sa buhay.

Ang aking kwento ay hango sa totoong buhay ng pamangkin ko pinalitan ko lamang ang pangalan ng mga ginamit kong karakter dito

Alam ko na mahaba na itong nasulat ko pero naniniwala ako na mahalaga ito basahin. Maraming salamat po sa pagbabasa, more powers po sa @steemph.cebu at sa mga kapwa ko steemian na manunulat din

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center