Doggo: Skye - My First Heartbreak

SKYE 🐢🐢🐢🐢
My first heartbreak. πŸ’”

P_20160909_154323.jpg

Di ko maitago ang tuwa at excitement nang dumating ka sa buhay namin ng daddy Sol Khristopher Averia mo. Itinuring kitang parang tunay na anak kahit pa na isa kang fur baby. πŸ’žπŸ˜πŸ˜ƒ

Pagkauwi galing sa trabaho, ikaw agad ang inaasikaso ko. May times na hindi ako makatulog ng maayos dahil gusto mong makipaglaro at makipagkulitan. Go lang ng go kahit antukin pa ako sa work, para lang sayo babyloves. πŸ•πŸ˜…

P_20160911_060056.jpg

P_20160911_060159.jpg

P_20160909_154632.jpg

Nakapabibo mo, playful at makulit. Nagulat nalang ako isang araw bigla kang naging matamlay. Di rin nagtagal ay hindi ka na rin nakakain nang maayos. Naisip kong may mali. 😒😒😒😒

Busy ang dad mo dahil panahon yun ng review niya for board exam. Pero dahil sa mahal ka namin, sinamahan nya akong ipacheckup ka sa vet clinic. Ang sabi, baka raw Parvo Virus dahil may mga naging cases sila kaya naman nagsagawa sila ng blood test at sinabi ng vet na iron deficiency daw. May ininject sila sayo na vitamins at may prescription na supplement.

P_20160912_095358.jpg

P_20160909_162832.jpg

Umuwi tayo sa apartment sa Caloocan at medyo sumigla ka na rin. Akala ko magtutuloy-tuloy na, pero hindi... mas lumala pa ang kalagayan mo to the point na hindi ka na talaga kumakain at umiinom; nagsusuka ka narin at nagdiarrhea. Dadahilin sana uli kita sa vet clinic para ipacheckup uli pero huli na ang lahat... nasilayan ko kung paano mo ako iniwan. 😭😭😭😭 Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga panahon na yun. Ang sakit sakit sa puso. Inuwi ka ng daddy mo sa Lucena para sa iyong huling himlayan.

P_20160916_132807.jpg

Walang araw ang lumipas na iniisip kita, inaasam na makita at makasama ka uli. Sobrang naging malungkot ang buhay ko, feeling na parang walang saysay kung wala ka. Stressed na ako, depressed na rin. Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala mo dahil wala akong nagawa para iligtas ka at humaba pa ang buhay mo. Dumating na rin ako sa point na nagkaroon na ako ng suicidal thoughts.

P_20160909_151444.jpg

Emotional pain almost destroyed my life, I have endured and been broken. On the contrary, pain made me stronger and to survive. Siguro nga, time heals. Nakabangon ako, nagpatuloy sa buhay... pero Skye babyloves, miss na miss na kita. Sobraaaaa! We miss you so much Skye babyloves. 😭😭😭😭

P_20160909_161040.jpg

#missingyou #wishyouwerehere #throwback #memories #doggo #SkyeDoggo #09Sept2016to16Sept2016

β€’β€’β€’β—†β—‡β—†β—‡β—†β€’β€’β€’

This is an original entry form my Facebook account. You can visit my timeline. All photos in this post are original content created by @canarypenman with Asus Zenfone Max.


ABOUT ME

Follow me on other social media platforms. Just click the links below.


Facebook β™” Instagram β™” Wattpad β™” Steemit


U5dtgJMKiE4hkDHuU598S99qeiKkNoG_1680x8400.png

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now