Ang pagpapakilala kay Lorainne

Magandang araw sa inyong lahat ito po ang inyong linggkod si @ankarlie at ibabahagi ko sa introduksyon ng isang"future" steemian. Yes wala pa siyang account ngunit minabuti na naming ibahage ang kanyang storya. Ipagpaumanhin niyo at hindi ko na inaayos ang kanyang sinulat upang manatilang kanya ang "post" na ito.

Sa mga hindi nakakalam ang "proxy account" ay isang proyekto na aking itinaguyod upang makapag "post" ng "blog" ang mga taong nawalan ng account dahil sa "phishing site" o mga tao na wala pang account sa steemit. Isa rin itong nag sisilbing "Steeming Station" sa mga tao na walang paraan para makapag post ng blog na gustong makibahagi sa magandang opportunidad ng "steemit." Sila ang mga walang kompyuter, smartphone o internet connection na ang gamit lang ay "Free Data" sa messenger.


Ang pagpapakilala kay Lorainne

30712072_238600573381336_4968592994656583680_n.jpg

Hi good evening ako pala si lorainne munoz 28 yrs old dati taga quezon city. nag tapos ako nang elementary sa san gabriel elementaru school. at nun school naman sa san bartolome school nakapag college nmn ako kaso 2nd yr lng natapos ko huminto na kasi ako nun namatay si papa need ko buhayin yung mga kapatid ko hehe 7 kasi kme mag kakapatid ako yung eldest sipag gumawa nang mga magulang ko hehe

30716443_238600580048002_5623432051093929984_n.jpg

nun buhay pa si papa maayos buhay naman isa taxi driver at may maliit kme carinderia dati nun namatay si lola yung mama ni papa.. nag kita kita sa mag kakapatid kasi taga legazpi city cla eh nsa quezon city kme sabi nang mga kapatid nya ang payat may sakit daw ba sya pinababayaan daw namin so pag malibing si lola napag usapan nila mag kakapatid na ipagamot si papa tutulungan daw kami pati daw pang gastos at sa pag aaral tapos dumating na yung na hindi na sya nag work. nag aantay sa mga sinabi nang mga kapatid kaso ung panganay lang kumikilos syempre may pamilya din binubuhay yun
dun namin nalaman na may tubercules sya may damage na yung baga nya.

napilitan ako huminto sa pag aaral kasi kailangan mag pa gamot ni papa nag trabaho ako lahat pinasukan ko yaya katulong waitress sa bar sa grocery halos walang pahinga minsan pra may extra income ako kahit wla ako tulog pinag lalaba ko ung mga kasama ko sa trabaho 150 lang bayad pang dagdag lang minsan hindi na ako nakakatulog trabho na naman....

30705214_238600566714670_3532019673589612544_n.jpg

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now