Prompts Para sa Ika-Apat na Linggo ng Hunyo 24-30

Hunyo (3).png

Ang karamihan sa mga prompt na nabanggit ay nagmula kay @lolodens kaya shout-out sa iyo!

Sa wakas huling linggo na ng Hunyo, naging mabilis ba o mabagal para sa inyo ang buwan na ito? Sa akin ay medyo mabilis napakarami ko pang mga deliverables na hindi natatapos at naghahabol parin ako ng mga bagay-bagay ngayon.

Sa lahat ng sumusuporta sa ating inisyatibo maraming salamat sa inyo. Sympre naririnig natin iyan at isasakatuparan kung kakayanin naman ng ating powers dahil tayong lahat ang bumubuo ng munting komunidad na ito.

Para sa katapusan ng ating buwan narito ang mga prompts na maari mong gamitin ngayong linggo.

Hunyo 24 - Toxic na ugali ng Pinoy
Hunyo 25 - Maliban sa adobo at sinigang ano ang pwedeng maipagmalaking ulam ng Pilipinas?
Hunyo 26 - Awiting OPM na gustong-gusto mo ( Yung hindi sikat mas ayos ) 1 lang please
Hunyo 27 - Dahil pumutok ang issue ng hacking sa Jolibee tingin mo tama ba ang manghack ng websites?
Hunyo 28 - Gumawa ng tula patungkol sa alaala ng kabataan. ( Malayang taludturan)
Hunyo 29 - Gumawa ng maiksing kwento patungkol sa gulay ( tutal nutrition month na sa Hulyo)
Hunyo 30 - Midyear goals na achieve mo ba?


Mga tips:

  • Suggested ko na atleast 250 words ang isang post o higit pa. Pwede kang mag taglish sa post. O kaya naman ay mayroong Ingles na translation sa post mo para sa tsansa na macurate din ng ibang community curators na nakakaintindi ng Ingles.
  • Mas suggested ko na may Tagalog tapos may English na translation sa post. Para maka konek parin ang inyong mga mambabasa na hindi nakaka intindi ng Tagalog.
  • Kung gagamit ng larawan na hindi ikaw ang kumuha, ilagay ang link kung saan nagmula ang larawan.
  • Magpost ng content sa Tagalogtrail community o kaya naman ay ilagay sa tags #tagalogtrail para ma pick-up ng bot ng Hiveph.

As usual ang nakaraang linggong pa-reward ay to follow ulit. Accounted naman lahat kaya no worries.

Webinar sa pag-gawa ng tula gusto nyo ba? Kung gusto nyo type mo lang ng OO para makapaghanda tayo.

Kung mayroon pa kayong naiisip na webinar i type nyo lang dito sa comment section para mahanapan natin ng paraan. Ito man ay konektado sa Hive o hindi ay ayos lang.

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now