Nanunood ka ba ng balita? | My Tagalog Trail Community Prompt


Gray & White Minimalist Our Mission instagram Post.png


Intro


Noong panahon na hindi pa uso ang internet surfing ay telebisyon ang pinagkakaabalahan namin. At pagdating ng hapon ay hindi ka makakapamili ng panonoorin mo bukod sa balita. Sa panahon ngayon ay kakaiba na, may choice na tayo kung anong panonoorin at kung saan manonood: mayroon tayong mga cellphones, tablets at smart tvs. Pwede rin naman sa mga makaluma na gumagamit pa ng desktop, o maaaring hindi naman makaluma, ginagamit lang ang computer sa opisina. Hahaha. Huli.

Sa unang tingin ay mabilis sagutin ang tanong na ito sa pang araw-araw na prompt mula sa Tagalog Trail Community. Oo, nanunood ako ng balita ang aking sagot. Tapos na, di ba? Press publish, get upvotes. Ngunit hindi ganito ka-simple ang tanong na ito. Sa aking palagay ay mayroong malalim na pinanggalingan at malalim na epekto ito sa ating online interactions at online experiences ang simpleng bagay na ito.


Malalim na kuweba ng internet


Inuumpisahan kong basahin ang "How To Stand Up To A Dictator" ni Nobel Laureate Maria Ressa matapos itong i-publish. Ngunit, ewan ko ba kung bakit hindi ko makuhang ituloy ang pagbabasa nito. Hindi maka-concentrate. Maraming abala. Hindi priority. Maraming dahilan. Ngunit, madalas ko naririnig na "kung gusto, maraming paraan, kung ayaw, maraming dahilan", at marahil ay ito ang naglalarawan sa takbo ng aking utak sa ngayon. Na nabawasan na ang kagustuhang magbasa at nakokontento na lang sa panonood ng mga summaries at reviews sa YouTube. Hindi ideal pero ito rin ang nararanasan ng karamihan sa mga taong nagbababad sa internet. Dahil sa halos perfect na ang algorithm ng mga big tech companies at ang kanilang mga apps ay halos hindi na tayo makawala. Na ang mga video sa Tiktok, halimbawa, ay naka-design para tayo ay ma-adik at malulong sa panonood nito - kapareho ng Shorts, at same lang sa Story. Side note: sana ay gamitin rin ng mga content creator sa Hive ang formula na ginagamit ng mga Web 2.0 / big tech content upang mapalaganap ang Hive. Siguro naman ay papanoorin din ng mga consumers/audience ang mga mala-tiktok na viral video kung ito ay nakakaaliw, interesting, at may gains na makukuha rito.

Sa ikatlong punto ay pasok na tayo dahil sa may rewards na makukuha ang ating mga potential users kung ito ay ginawa gamit ang Hive ecosystem. Hindi ko alam kung paano ang backend at technical side nito pero ang punto ko dito ay makakakuha tayo ng audience kung may paraan na ma-integrate ang rewards/income na mala-web 2.0. Kung makakapagpalabas tayo ng sarili nating version ni Mr. Beast o di kaya ay si Pewdiepie na nakuha ang kanilang yaman sa paglalabas ng content ay kaya rin natin ito, bakit hindi?

Balik sa aking topic. Sorry, nalihis ng landas ang tinutungo ng aking blog. So, nadiskubre ng mga researchers na ginagamit ang internet para malihis ang isip ng mga tao upang iboto at suportahan ang isang partikular na kandidato. Sinubukan sa pinas, nagtagumpay, ginamit sa Amerika upang mahalal si Trump. Di ko pa nasilip ang actual na research paper pero malaki ang aking kutob na totoo ito.

Paano ba ginagamit ng mga influencers ang social media. Simple, magsabi ng lies budburan ito ng galit at ng tribalism, palaganapin gamit ang isang network ng mga accounts para dito. Pwede ring hindi galit, fill in the blanks ika nga. Gamitan ng mabigat na emosyon at, abrakadabra = intended result. Ewan kung totoo ito, na "lies spread 5 times faster than truth" gamit ang social media. Ibig sabihin, mabilis mapaniwala ang mga tao. Fact checking is a myth, or at least used by a minority of social media users.


Conclusion


Hindi ko na pakakahabaan pa ang aking blog at pwede nyo rin naman i-research ang mga sinabi ko rito. Narinig ko rin na lesser priority ngayon ang news items at content sa social media at sa kabuoan ng internet. Kaya naman mabuting maging mapanuri tayo sa content na ating kino-consume. Dahil sa AI ay mas mabilis nang gumawa ng deep fakes at fake news. Maaaring hindi pa natin nakikita ang resulta nito pero mayroong malalim na epekto ito sa ating buhay, sa kabuhayan natin, at sa buhay ng ating bansa. Be critical of everything we read and watch online.

Siya, hanggang dito na lang muli. Nawa'y maging maganda ang inyong araw. TGIF Thank God It's Friday.

@juanvegetarian


*I used this Canva template, please check it out ang support the Canva artist.

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center