Long engagement or NO engagement before marriage?


Neutral Photocentric Couple Love Quote Instagram Post.png


Magandang araw sa lahat. Andito na naman tayo sa @tagalogtrail community, kung saan hinihikayat tayo na magsulat at ilathala ang ating mga akda sa Filipino. Sa araw na ito, kahit wala pang bago na prompt mula sa admin ay naisipan ko na balikan ang mga nakaraaang prompt at pumili na lang doon para sa aking magiging topic sa araw na ito.

Hulyo 9 - Kung ikakasal ka. Okay lang ba na wala nang engagement at kasalan na agad?

Ito nga ang aking napili na topic.

Malaking desisyon ang pagpapakasal. Isa na yata ito sa pinakamahalagang desisyon na kakaharapin natin sa ating buhay. Sa pagpapakasal ay ibinabahagi natin ang ating sarili sa ibang tao. Ang ating asawa ay magiging parte ng ating buhay sa mas malalim na usapin simula sa araw ng kasal. Maaari rin nating sabihin na ang magkasintahan ay malaking parte ng buhay ng isa't-isa, ngunit ibang level kapag nagpakasal ka na. Sa magkarelasyon na nagpakasal ay kasama na rito ang mga karapatan na ibinibigay sa atin ng batas sa isang esposo. Labas sa usapin ng prenuptial agreement, ang pagpapakasal sa isang tao ay nagbibigay ng kalahati ng lahat ng ari-arian na mapapasainyo sa panahon na kayong dalawa ay kasal (conjugal property). Ibig sabihin nito ay kahit na nakapangalan, halimbawa, ang isang piraso ng lupa sa isang tao, ay pagmamayari pa rin ito ng mag-asawa. Sa simpleng usapin(dito sa Pilipinas), literal na magkahati kayo sa lahat ng assets na hindi naman isyu sa karamihan, ngunit maaaring maging malaking bagay kung galing ka sa mayamang pamilya.

Ang iyong kabiyak ay makakasama mo rin sa araw-araw. Mabuti kung may malalim na pagkakaintindihan kayo sa ugali ng isa't-isa dahil magiging magulo kung pagtataluhan ninyo ang pinakamaliit na bagay, katulad halimbawa ng anong kulay ang ilalagay na kurtina sa bintana o pintura sa gate at bakod. Napakaraming bagay ang maaaring pagmulan ng away. Siyempre, sa mga mas mature na relasyon ay maaaring magparaya na ang isang panig sa mga maliliit na bagay kagaya ng ating halimbawa pero paano mo ba malalaman ito bago ang sakalan kasalan. Ang nais ko lang sabihin dito ay mas maganda kung bagay kayo sa isa't-isa; na ang level ng compatibility ninyo ay nasa punto na komportable kayo sa isa't-isa kahin na nasa hindi komportableng sitwasyon at ito rin ay maaaring maging basehan kung paano kayo magdedesisyon bilang mag-asawa sa mga mas malaking bagay, tulad ng saan kayo titira, ilang anak ang nais ninyo, pagbili ng properties, at iba pa.

Siguro ay nakikita niyo na ang patutunguhan ng aking akda bilang sagot sa katanungan ni Ginoong @tpkidkai kung ako ba ay pabor sa engagement o hindi. May mga magkabiyak rin na naging matagumpay ang pagsasama kahit na walang engagement pero dahil sa ito ang aking naging karanasan ay pabor ako sa engagement bago ang kasal. Sa katunayan, pabor ako sa mahabang engagement bago magpakasal, upang madagdagan ang pagkakataon na ito nga ay forever para sa inyo at masabi mo ng taos-puso na "Everything's better when we're together". 🌟❤️

Napakarami ko pang naiisip na isulat tungkol sa subject na ito kaya lang ay iniiwasan ko na sobrang habaan at gusto ko rin lagyan ng English translation para naman sa mga hindi nakakaintindi ng Filipino/Tagalog/Taglish. Paano, hanggang dito na lang muna. Maraming salamat sa pagbisita sa aking blog at pag gugol ng panahon dito.

Hanggang sa muli,
@juanvegetarian 😎


English translation

*(You may stop here if you understood the Filipino blog post above, but please read on if you want to enjoy the same in another language or just to kill time.) 😃


Good day everyone. We're back here at the @tagalogtrail community where we are encouraged to write and publish our works in Filipino. Today, even though there is no new prompt from the admin I thought to go back to the previous prompts and just choose there for my topic today.

July 9 - If you get married. Is it okay to have no engagement and a wedding right away?

So, this is my chosen topic.

Getting married is a big decision. In fact, this is one of the most important decisions we will face in our lives. When we get married, we are sharing ourself with others. Our spouse will be a part of our lives on a much deeper level starting from the day of the wedding. We can also say that unmarried couples are a big part of each other's lives, but it's different when you get married. Marriage gives our spouse certain rights under the law. Outside of the prenuptial agreement, marrying someone gives half of all the property you will have acquired during the time of your marriage. This means that even if a piece of land is named, for example, to a person, it is still owned by the couple. In simple terms (at least here in the Philippines), you literally own half of all assets, which is not an issue for most people, but can be a big deal if you come from a wealthy family.

Your spouse will also be with you on a daily basis. It is good if you have a deep understanding of each other's behavior because it would be messy if you argued over the smallest of things, such as what color curtains to put on the window or paint on the gate and fence. There are many things that can cause conflict. Of course, in more mature relationships, one side can tolerate small things, see example above, but how do you know this before the wedding? What I want to say here is that it's better if you are a good match with each other; and your compatibility level is at the point where you feel comfortable with each other even in uncomfortable situations and this can also be a good baseline for how you decide as a couple on larger decisions, such as: where to live, how many children you will have, purchasing properties, etc.

Perhaps you can already see where my writing is heading—an answer to Mr. @tpkidkai’s question about whether I favor engagement or not. Granted, there are couples who have succeeded in their relationship even without an engagement, but based on my own experience, I am in favor of engagement before marriage. In fact, I believe in a long engagement before tying the knot. This way, we increase the chance that it truly is forever for both of you, and you can wholeheartedly say, ‘Everything’s better when we’re together.’ 🌟❤️

I have so much to write about this topic, but I want to avoid too long of a post since I want to add an English translation for those who don't understand Filipino/Tagalog/Taglish. So, I will have to end here. Thank you for visiting my blog and spending time here.

'till next,
@juanvegetarian 😎


**I used this Canva template for today's blog. Please check it out and support the Canva artist if you are so inclined.Thanks!

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now