KASIKATAN O DIGNIDAD (FIL-ENG)

KASIKATAN O DIGNIDAD.jpg

Kasikatan o Dignidad?
Ito ay panahon na ng mga influencers at napakaraming nagsisulputan upang ipahayag ang kanilang saloobin. Ikaw na isa ring gumagawa ng blog/vlog sa blockchain na ito ay isa ring influencer. Ngayon, kung ikaw ang tatanungin, ano ang mas importante sa iyo. Ang kasikatan o ang iyong dignidad?


FILIPINO.jpg

Ngayon sasagutin ko ang tanong na ito kung alin nga ba ang mahalaga kasikatan o dignidad. Bilang gumagawa ng blog/vlog sa blockchain na ito mas pipiliin ko na dignidad dahil gusto ko po maging mabuting ehemplo sa kapwa ko lalong lalo sa kapwa kong kabataan. Maraming kabataan ang gumagamit ng social media kaya gusto ko maging magandang halimbawa sa kanila at hindi ko hahayaang na masira ang kinabukasan nila nang dahil sa nakikita nila sa social media.

Nakakalungkot lang po na maraming mga influencers ang gumagawa ng kalokohan kagaya ng pagsayaw sa harap ng escalator na may dumadaan na tao, paggawa ng pranks sa kapwa nila o maging sa kapamilya, at marami pang iba nung nakakaraan may nakita akong video na puro kalaswaan. Nakakatuwa man sa iba pero nakakabahala dahil ginagaya sila ng mga tagasuporta nila lalong lalo ang mga bata. Karamihan sa mga influencers na nagsusulputan ngayon ay mas iniisip nila ay sumikat at kumita ng mas malaking pera kahit hindi na maganda ang pinapakita nila sa mga tagasuporta nila. Hindi ko masisisi kung bakit nagiging normal na lang ang gumawa at magsalita ng hindi maganda dahil nakikita nila iyon sa mga sinusuportahan na influencers.

Hindi masama maging totoo sa sarili basta hindi nakakaapak ng tao at may matutunan sila na mabuti dahil iyon ang layunin ng pagiging influencer. Kaya sa lahat ng influencers maging mabuting halimbawa sa mga tagasuporta. Huwag ipagpalit ang dignidad para sumikat bagkus pahalagahan ito at kahit kaunti pa lang ang sumusuporta basta may aral sila sayo matutunan dadating ang tamang panahon na aangat at makikilala ka din.

FILIPINO (1).jpg

Now I will answer this question which is really important fame or dignity. As a blog/vlog maker on this blockchain, I prefer dignity because I want to be a good example to my fellows, especially to my fellow youth. Many young people use social media so I want to be a good example to them and I will not let their future be ruined because of what they see on social media.

It's just sad that many influencers do silly things such as dancing in front of the escalator with people passing by, doing pranks on their neighbors or even family members, and many others. It's funny to others but it's worrying because their supporters imitate them, especially children. Most of the influencers who appear today think more about becoming famous and earning more money even if they don't show good things to their supporters. I can't blame why it becomes normal to do and say bad things because they see that in the influencers they support.

It's not bad to be true to yourself as long as you don't offend people and they learn something good because that's the goal of being an influencer. So to all influencers be a good example to supporters. Don't exchange dignity to become famous but appreciate it and even if there are few people who support you as long as they have a lesson to learn, the right time will come when you will rise up and be recognized as well.

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now