Ang bubot na Pagibig | Hinulma ng panahon | A teenage love story

Unang araw ng pasukan!

IMG_26574072246991.jpeg
IMG_26580366650066.jpeg
Isang taon na naman ang lumipas at balik aral na naman sabi ni Sheh. Excited siya na medyo kinakabahan kasi transferee student siya sa mataas na paaralan ng Dr Josefa Jara Martinez High school. 3rd year siya noon. Ikalawang beses niya na sa 3rd year dahil noong unang 3rd year niya noong malapit ng matapos ang pasukan inatake siya ng katamaran. Kaya sinabi niya sa kanyang Ina na: Ma, Ayaw ko na po. Napapagod na po ako. Kaya ayun Wala naman nagawa ang kanyang Ina.
Matapos niya magawa yung mga projects niya na ipapasa para maka pasa na lang siya kasi hindi na nga siya pumapasok. Yung comic strip, editorial at kung anu ano pa. (Nag pagod lang talaga e. )

Pagpasok niya pa Lang sa Gate ng school marami ng napukaw ang paningin at nabighani sa kanya. Ramdam niya rin naman kaya medyo na eexcite na rin siya. (marami na namang chocolates, letters and flowers and kokolektahin niya.)

Hindi lang mga estudyante ang nakapansin sa kanya maging ang mga guro ay naging paborito siya. (beauty and brains daw kasi )
Parang napaka perfect ng story 'Di ba?
Para kay Sheh napaka perfect nito kasi Kahit bago lang siya sa school pero parang feeling niya ang tagal tagal na niya rito. Kasi talagang naging sikat siya sa lahat.

Hanggang sa nagkaroon na nga ng isang announcement tungkol sa battle of the bands. Syempre dahil marunong kumanta napasali siya sa isang banda. Evanescence, Slapshock and Korn ang cover nila.

Dahil dyan mas lalo pa siyang nakilala. Naging English subject student teacher din siya sa tuwing magkaka teacher's week. Kaya mas marami pa siyang natatanggap na mga sulat at mga gifts. Sinasali din siya sa mga sayaw kada js prom. Naging Queen of the night pa siya. Kaya ayun mas lumaganap pa ang kanyang pangalan sa buong school. (Ganda ni 'te ghorl )
FB_IMG_1547708663266.jpg
Maraming nangliligaw sa kanya. Nangungulit. At kung anu ano pa mga pinaggagawa. May pa chocolates, flowers, letters, at kung anu ano pa. Pero ayun hindi naman siya natinag. Nagkaroon siya ng Boyfriend noon siguro nga' yun na yung sinasabi nilang karma niya. (Kasi naging player si Ate natin ghorl noon since Elementary. Tsk)
Ayun na nga to make the story short sa 1st love story niya sa bagong school ay naging sila. Sineryoso niya yun. Pero ayun dahil nga mahilig siyang maglaro at pati ang feelings ng guy na yun ay napaglaruan niya Kahit serious naman siya. (Pero ikaw ba naman kasi lagi kang makiki pag break, hindi ba magsasawa yung guy dun?)
Noong natapos na ang 3rd year nila. Nag summer break na. Naging LDR na sila. (Kahit QC lang sila pareho magkaiba lang ng lugar. )
Hindi na sila masyadong nagkikita. At hindi na nga nakakadalaw si guy sa kanya. Kaya tinawagan niya na ito at nagsabi na "cool off" muna sila. Grabe! Hindi na nag isip si guy at sumagot ng "OO"
(Grabe hindi siya makapaniwala kasi alam niya hindi siya kayang hiwalayan ni kuya natin. )
Pero ayun na nga! Nauwi na sa break up. Humagulgol siya nun. First time niya naranasan na maganun e. Umiyak siya sa mama niya. Kasi hindi niya na mapigilan noong tanungin siya Kung anong nangyayari sa kanya.

Nakamove on naman na siya agad.
Tapos isa pang dahilan ng pagkamove on ay ang pag punta nila ng pinsan niya sa concert ng Linkin Park. Super happy niya noon. (Kahit hindi pa siya pinayagan pero nagpumilit siya. Gumawa na lang sila ng dahilan. )

Balik pasukan na naman. 4th year na!

Wala pa ring pagbabago sikat pa rin siya. Hindi na naman maaalis yun. Pero ayun balik na naman sa mga mangliligaw at kung anu ano pa. Pero naka focus pa rin pala siya sa ex niya. (Hindi pa rin pala nakamove on). May isa siya classmate na naging secret admirer niya. May pasulat sulat pa ng letter asking if may BF na siya? Tapos tawag sa kanya ay AMY LEE tapos from: IAN TAYAO daw. Yan ang mga pangalan na naka sulat sa letter. Wala pa rin siyang clue Kung sino. Pero nung nabasa ng mga tropa niya (one of the boys kasi siya) nagka hint na sila Kung sino yun. Isa lang naman daw ang kilala nila sa classroom na mahilig sa QUESO.

Bawat tugtog nila sa corridor or sa stairs ng building may nakasunod pala sa kanya na parang nagbabantay. Pagpunta sa canteen at sa bawat ginagawa niya ay sumusunod din si Kuya. (Creepy, stalker ang Peg). Pero hindi Napapansin ni Sheh yun. (Ewan ko ba focused kasi masyado kay ex e. )
Hanggang sa nagkaroon sila ng seating arrangement sa English subject at nasa harapan pinaupo si Sheh at si Kiko. (Parang sinadya ba? ) Noong recitation na. Nagkalabasan ng word bigla na lang napag usapan yung "CHEESE" hanggang sa sabi ni Kiko: Pimiento.
(Ayun na nga ang simula ng tamis.
Nag simula sa Anghang ng pimiento. )

Hanggang sa ayun na nga nangligaw na si Kuya mo kay ate ghorl. Kasi nalaman niya naman na Wala naman palang bf si Ate ghorl.

Pero dahil sa Wala Pang panggastos si Kuya natin. Hindi siya masyado nagpaparamdam kay ate ghorl. Dumating pa nga sa time na si Ate ghorl nag pasama kay pinsan para kilatisin si Kuya natin. Kaso ayun, Wala ngang pera si Kuya natin. Kaya noong pumunta sila sa SM Sta Mesa para bumili ng mga need ni Ate ghorl sa National bookstore nilibre pa nila si Kuya natin ng pamasahe. Naturn off tuloy si Ate cousin. Sabi niya: ano ba yan dapat tayo nililibre nyan. Tsk.

To make the story short naging sila rin August 4, 2004.

(Happy ni kuya natin. )

Pero bago pala yan. Balikan natin yung mga panahon, na concert ng Linkin Park.

Noon pa Lang pala nakita na ni Kiko si Sheh. Kaya pinagtanong niya na sa mga tropa niya since kilala si Sheh sa school kaya na kilala siya ng mga tropa ni Kiko. Sabi nila yan yung vocalist ng banda sa school, si Amy Lee. (Naiba na pala pangalan ni Sheh.) so sabi nila taga kaliraya daw siya. E dahil nga summer nun. Wala siya sa kaliraya sa bahay ng Lola niya. Syempre nasa bahay siya ng parents niya.
Nag ikot ikot si Kuya natin sa buong kaliraya hanggang hunters pero Wala. Hindi niya nasilayan ang kumikinang na si Sheh. (Mala hiyas lang.)
Hanggang sa nagpasukan na. Ayun nagulat na lang si Kuya natin na classmate niya pala si Sheh. (tadhana nga naman.)
Yung pinahirapan pa siya maghanap ng maghanap araw araw sabay magiging classmate niya naman pala.

Ayun na nga daming nangyari. Dami rin nilang pinagdaanan. Tapos dumating na naman na parang nagsawa si Sheh. Kasi lagi na silang magkasama. Tsaka hindi naman lingid sa kaalaman ni Kiko na rebound lang siya. (Si Ate ghorl talaga natin o. Tsk.)

Hanggang sa nag student teacher uli, band uli pero mas nag focus na siya kay bf. At js prom uli. Pinilit niya si Kiko na sumali sa regudon na kasali siya para partner sila. (Super clingy ni Ate ghorl.)
Super sumikat din si Kiko naisabay siya sa kasikatan ni Ate ghorl sa school hanggang sa labas ng school. Yung parang perfect partner ika nga nila.
Pero hindi maiaalis yung mga kontrabida sa love story nila. Maging si English teacher nangingialam e. Kasi nga daw bumaba grades ni Ate ghorl dahil kay kuya natin. Sinabihan pa mga Nanay nila na palayuin si Kuya natin kasi naaapektuhan ang studies ni Sheh.
Pero hindi naman din sila natinag.
Grumaduate nga sila may gift na sa tummy ni Ate natin. Parehas na silang 17 years old nung graduation. Kasi Parehas sila bumalik. Si Ate natin bumalik ng 3rd year. (kasi ng tinamad). Si Kuya naman natin bumalik ng 3rd year at 4th year. (tinamad na rin kasi siya dahil working na siya noon. Tadhana nga naman talaga. Mapag laro.)
Hanggang dito na muna tayo...

Itutuloy....

To be continued....

-----§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§-----

(UNANG KABANATA)

(PART 1)

-----§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§§-----

PhotoGrid_1588733498308.jpg

YouTube

Facebook

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now