Bulaklak

Bulaklak sa gitna ng halamanan
Takaw pansin sa mga dumadaan
Pag nakita mo ang mga ito'y tila kay sarap pagmasdan
At nagpapagaan sa aking pakiramdam

Pulang rosas kung ikaw ay tawagin
Madalas makita sa mga hardin
lungkot sa aking buhay ikaw ang pumapawi
tunay ngang ikaw ay katangi tangi

Ang tao din ay maihahalintulad sa mga bulaklak
ngayon ay kay sigla at humahalimuyak
ngunit darating ang araw ito'y malalanta
tanging ganda at bango nito ang ating maalala.

img_0.6057701772130276.jpg

#hiveph

#ocd

#dbuzz

#aseanhive

#liketu

#poem

@guruvaj

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now