Ikaw at ang Ulan

6.png

Sa pagmulat ng aking mga mata, ang tunog ng malakas na pagbuhos ng ulan ay maihahalintulad sa damdamin na aking nadarama. Tila yata mapaglaro ang panahon sapagkat ito ay umaayon sa bugso ng aking emosyon. Hindi ko maiintindihan kung bakit hanggang ngayon ay labis ang aking pagdurusa. Sinusubukang limutin ang mga alaala ng ating pagsasama subalit ang hirap unawain kung bakit kung kailangang tayo ay paglayuin ng tadhana.

Ikaw at ang Ulan. Ikaw ang dahilan kung bakit ang bigat ng dadamin ko tuwing umuulan. Naalala ko pa noong ako ay iyong pinayungan palabas ng eskwelahan hanggang makarating sa sakayan pauwi sa aming bahay. Alam kong basang-basa ka na dahil ang payong na iyong dala ay kasiya lamang para sa isa. Iniisip ko pa noon na para akong nasa isang pelikula, ikaw at ako bida. Nang dahil sa ulan nagkaroon tayo ng oras na tayo dalawa lang nakakarinig ng ating usapan ang sarap pakinggan ng iyong boses,para kang isang anghel na lumapit sa akin. Pinunasan mo aking mukha na parang sayo ay wala lang ngunit ang tibok ng aking puso ay tila hindi ko maintidihan, sinubukang pigilin ngunit patuloy ang kabog kasabay ng kidlat at kulog.

Hindi mo lang alam. Matagal na kitang hinahangaan kahit alam ko naman na tayo ay magkaibigan lamang. Ang sakit isipin na wala itong patutunguhan, natatakot ako sa maaaring mangyari kung ipagpapatuloy ko pa itong aking nararamdaman. Hindi ko kayang pigilan ang puso sa pagtibok nito tuwing lumalapit ka sa akin, ang mga matatamis na ngiti sa iyong labi na tila ako'y kiniliti, ,mga titig mong nakakalusaw at sa kamay mo ay ayaw ko ng bumitaw.

Dahil sa ulan, palagi mo akong pinapayungan tuwing nakakalimutan ko dalhin ang aking payong ngunit ang totoo ay gusto lang kita makapiling hanggang nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabhihin ang aking nararamadaman at umamin na ikaw ay aking hinahangaan. Nauutal-utal, hindi maintindihan, ikaw ay yumuko at nilapit ang iyong mukha palapit sa akin. Salitang "gusto kita" ang binigkas ng aking labi. Tumitig ka sa aking mata at ikaw ay ngumiti, hinawakan mo ang aking kamay sabay hagkan sa aking katawan. "gusto rin kita" ang naging tugon mo sa akin. Patuloy na pagbuhos ng ulan, kasabay ng malakas hanggang sa makarating tayo sa sakayan namin.

Hindi ako makapaniwala sa aking nalaman pero ito ang naging dahilan at simula ng ating pagmamahalan. Ang saya-saya ko, ang saya ng puso ko dahil minamahal ako ng taong mahal ko. Makalipas ang ilang buwan ay sikreto akong nalaman. Isang lihim na sobra akong nasaktan. Nabalitaan ko na lang na ikaw pala ay nakikipagbalikan sa dati mong kasintahan. Hindi ako naniwala dahil mahal kita pero para akong sinampal ng katotohanan nang makita kita na kasama mo siya. Ang sakit sobra. Pinili kong lumayo sayo at putulin na ang ating komunikasyon. "siya pa rin pala" akala ko ako ang bida sa ating pelikula ngunit sa dulo ay isa lang pala akong "extra".

Bumangon na ako sa aking higaan para mawala sa isip ko ang ating alaala. Nagluto ng paborito kong sopas at nagbasa ng libro para wakasan ang ating kwento.

PS. Hey, Everyone! It's me, Caris :) This is my memorable experience during my high school days, there was never an us to make it short. A relationship without a label is something I am afraid of. No assurance and no commitment so yeah lesson learned. I tried to write in Tagalog because this is my comeback so why not? Anyways, this is my entry to #BUHOSNGULAN writing contest. If you want to join, just click this link!
(

I am tagging some of my virtual friends that I can think of @ruffatotmeee @dennnmarc

And the images I used are the Free images from Pexels credited to PKpix, Said and George Desipris.

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center