MCGI Cares topic Review: Ang role ng ina sa tahanan: My introduction post

Hello sa inyong lahat! Bago lang ako dito sa hive😀. Ito ang aking unang post at introduction sa hive. Maganda naman pala dito. Naghahanap kasi ako ng online job kaya nakita ko ito.

Isa akong Filipino, at tawagin ninyo nalang akong Blue hehe.

Habang nag nagtitingin ako ng mga post nakita ko ang MCGI Cares Community💙... Nagustuhan ko ito dahil maganda ang mga topic, lahat ng mga post dito ay may mabuting aral.

Nabasa ko rin dito na isulat daw ang aking review tungkol sa video na ang pamagat ay "Ang role ng mgsa ina sa tahanan"...

Sangayon ako sa lahat ng sinabi ni Brother Eli Soriano. Ang ina ay mayroong malaking papel upang maakay ang anak sa Dios.

Totoo lahat iyan,dahil noong bata ako,tinuruan ako ng nanay ko na lumapit sa Dios at magbasa ng bibliya.hanggang ngayon malaki parin ang pananampalataya ko dahil sa nanay ko. Kaya pahalagahan natin ang ating nanay dahil sila ang gumabay sa atin mula ng bata pa tayo.

Malaki ang pasasalamat ko sa aking nanay dahil sa kanya ko natutunang mag-basa ng bibliya at malaman ang lahat lahat ng kamangha-manghang ginawa ng Dios mula ng likhain ang mundo.

Nagpapasalamat rin ako ng sobra sa Dios,dahil binigyan niya ako ng mabait na ina na magtuturo sa akin na mapalapit sa kanya.

Ang bibliya rin ay hindi lang upang basahin, kailangan mo itong pagisipan at gawing gabay sa buhay.

Ito lang ang aking masasabi, Salamat sa Dios at sa Pagbabasa ng aking unang post!💙

-Blue-

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center