Pagbabalik Tanaw sa mga Galang Alaala na lamang # 03☺☺☺

Magandang Buhay po sa inyong lahat☺☺☺

Muli na naman tayong maglakbay sa isang lugar na ating ibabalik tanaw ngayon. Ito ay sa Cebu City na naman. Pero ang lugar na ito ay hindi isang pasyalan. Isa ito sa mga dinarayo ng mga kapwa natin pilipino upang dito ay magpasalamat sa mga biyayang kanilang natanggap. Ang iba naman ay nag pupunta rito upang ipagdasal ang kanilang mga nais.

kdrutp.jpg

Isa itong mapag himalang simbahan. Kilala ito sa pangalang ***"Birhen sa Simala" matatagpuan ito sa Lindogon Simala Sibonga Cebu. Ito ang unang beses na napuntahan ko ang nasabing lugar. Sa unang pag apak ko palamang dito nakakapangilabot ang taglay nitong awra. Ewan ko lang sa inyo kung sino man ang nakapunta na dito kung pareho tayo ng naramdaman. Napakagaan sa pakiramdam. Makikita dito ang iba't-ibang mga bagay na siyang simbolo ng mga nabigyan ng himala. Katulad na lamang ng mga lapis, baston, wig, papel at kung anu-ano pa. Ang lapis ay sa mga taong nakapasa sa isang pagsusulit na pinagdasal nila dito na sila ay pumasa. Ilan lamang iyan sa mga himalang nangyari sa nasabing lugar.

a4ttvr.jpg

Laking pasasalamat ko kay ate @shikika at sa nobyo kong si @jearo101 dahil kung hindi dahil sa kanila hindi ko mapupuntahan ang lugar na ito. Dito pa lamang masasabi ko ng isang halimala na nangyari sa aking buhay.

Hanggang dito na lamang po. Mag ingat po kayong lahat at God bless. Maraming salamat din po sa inyong walang sawang pag suporta sa aking mga blogs.

ang iyong lingkod,

flordecar26

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center