Pixabay
ni jennybeans
Nasaktan ka man ngayon Wag hayaang lamunin ka ng iyong nakaraan Andali lang sabihin noh? Kung pwede nga lang ibalik ang mga pangyayari Pag nakita ko talaga si kupido Akala niya ba andaming masaya pag siya'y pumalya? Pero andun na tayo kaibigan Nagbabasa ako sa mga #uloghugot post kanina... Kaya ako'y nakapagdesisyon na magsulat muli ng isang tulang may kinalaman sa pag-ibig hehe ngunit ito'y iba na sa mga dating nagawa.
Ang pag-ibig ay sadyang ganyan
Napaglalaruan tayo minsan
Ngunit isa lang ang aking masasabi kabayan
Damdamin ay tatagan at ang pagmamahal ay wag sukuan
Liligaya ka rin pagdating ng panahon
Maghintay sa tamang pagkakataon
At puso'y ihanda sa anumang sitwasyon
Pasasaan ba't hihilom din ang pusong nasugatan
Pagmamahal sa sarili muna ang dapat na pagtuonan
Bago pagmamahal sa iba'y ipagsabuyan
Pero ang hirap gawin alam ko
Kaya lang wala na tayong magagawa
Kundi umabante na lang at wag nang ngumawa
Itatama ang pag-ibig na nagdulot ng pighati
Pipiliting pana ni kupido'y waksiin
Nang maling pag-ibig ay maiwasan na rin
Uuwi talaga siyang kalbo
Siya'y sasabunutan ko
Dahil sa match-making niyang palyado
Oo, marahil masaya sa una kasi ganon naman palagi diba?
Pero kalaunay nagiging mahapdi na at nagkakasakitan pa
Dahil relasyon ay nagkakalamat na at wala nang patutungahan pa
Kalimutan na ang dapat kalimutan
Mag pokus sa kasalukuyan
At isiping may magandang bukas na sayo'y nakalaan
To join and be part of the gratefulvibes family on discord, click here
To join and be part of the Steemitserye Steemitdora Full Force on discord, click here