BAYANIHAN(TULA) mula kay makatang iphone7

Ito na namang muli ang inyong makata
Sa inyo'y nagpapaabot ng bating maligaya
Ako'y may mensaheng nais ipaalala
Nawa'y sa puso't isip ay tumatak nga.

Kapwa ko mga Pilipino tayo'y magtulungan
Tama na ang lamangan at mga inggitan
Mga kamalian ay huwag pamarisan
Magdamayan at huwag maghilahan.

Kung nagtagumpay ang iyong kapwa
Imbis na mayamot, ikaw ay matuwa
Kung ikaw ang umangat, ako ay may babala
Dalhin mo sila pataas at hindi pababa.

Tayo'y iisang lahi kaya wag kang maramot
Huwag mong ipagkait ang tulong na karampot
Tumingin sa itaas, ang Diyos ay naroroon
Nakagabay sa ating paroroon.

Photo Credit:
https://www.google.com.ph/search?q=bayanihan&dcr=0&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjM68v63-PYAhUB6bwKHTtxBvUQ_AUICigB&biw=1366&bih=675#imgrc=24lQ6-Ht7qSFKM:

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center