Panalangin ng Madla

pray copy.jpg

Aking mahal na Ama,

Diyos ng kaitaasan
Patawarin nawa kaming makasalanan
Salamat sa pag-ibig at Iyong kabaitan
Sa bawat segundo kami’y di Mo pinbayaan.

Marami sa amin ang naligaw ng landasin
Nawala ang bait pagiging matiisin
Nalulong sa droga at handa kang patayin
Pati mumos na paslit ay nagawang halayin.

Hindi na nawala mga bansang may digmaan
Tunog ng barilan at walang humpay na bombahan
Wasak na gusali at pulbos na kabahayan
Kailan kaya darating ang tunay na kapayapaan?

Malilikot na kamay na handa kang dukutan
Mga matatabil na dilang nabuhay sa tsismisan
Imbis na magtrabaho ay inuna pa ang bulungan
Kailan kaya sila magbabago at matatauhan?


Credit Photo:
https://www.pinterest.com/pin/519391769503287757/

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now