Unang kita palang sayo
Ako ay nabihag mo
Sa ngiti mo na kay ganda
Ako'y talagang naakit sayo
Mahal nga talaga kita
Simula pa nung una
Mahalin mo rin sana
Suklian pag-ibig ko sinta
Araw Araw kitang naiisip
Sa twina maging sa panaginip
Di malirip ng pag-iisip
Lahat nga ng ito'y pag-ibig
Di nais na mawalay pa
Sayo lamang ako sinta
Kaya sana'y pansinin yaring pagsinta
At ako'y mahalin mo rin sana