S'ya ba ang dahilan?
Kaya ngayon ako'y iyong iiwan?
Kaya ako'y kaya mong saktan?
Kaya kailanmay di mo na kailangan?
Sya na nga ba hanggang sa walang hanggan?
Paano naman yaring pusong umaasa
Na buong akala'y ika'y magbabalik pa
Aasa na lamang ba sa wala?
O maghihintay maging sa salitang Bahala?
Paano ang iyong mga pangako?
Na ako lamang ang iyong pagsuyo
Pinanghawakan mga binitiwang mga salita
Pagkat akala ko'y tapat ka sa iyong sumpa
Pinaasa mo lamang at sinaktan
Umiiyak sa araw at gabi
Pagkat wala ka saking tabi
At ibang lalaki ang sya mong ganti
Na dulot sa puso ay sakit na matindi
Sya na nga ba ang bago mong mahal?
Kaya sa kanya'y handa kang makasal?
Luha na lamang ang hibik nitong sawing pag-ibig
At pamamaalam ang tanging usal ng mga labing utal
Kung sakanya ka magiging masaya
Ay di hahadlang pagkat hangad ko na ikay lumigaya