Oh aking mahal
Ako sayo'y nasasabik
Itong pusong wariy busog
Sa pag-ibig mong handog
Di man sabihin ng labi
Alam kong dama ng puso
Itong pag-irog na totoo
Alay ko lamang sa iyo
Damhin mo aking pagsinta
Nadarama ng pusoy waring himig ng kanta
Kay sarap damhin sa twina
Dulot sa akin ay ligaya
Kaya sana'y 'wag ng lalayo
Manatili lamang sa aking piling
Magkasama nating kamtin mga pangarap
At pagsaluhan kapwa itong pagsuyo