‘‘Pusong duwag’’ / TULA

Nung una tayong magkakilala

Inibig mo agad ako bigla

Nagulat ako sa pinagtapat mo

Inisip kong ito ay isa lang biro

Tinanong mo agad ko

Kung pwede ba akong ligawan

Agad naman kitang sinabihan

''Hindi pa ako handa sa bagay na yan''

Kinulit kulit mo na naman ako

Ang sabi mo'y ika'y maghihintay

Ikaw ay aking sinaway

Ayoko ko lang umasa ka sa isang tulad ko

Hindi ka pa rin nakinig

Pinaramdam mo ang iyong pag-ibig

Nais mo talagang patunayan

Puso mong tunay na nilalaman

Lumayo ako sa'yo

Hindi kita kinikibo

Ayoko ko lang na mapalapit ka pa

Para damdamin mo sakin ay mawala

Sumusulyap ako sa'yo minsan

Hindi ko kasi maiwasan

Natahimik na kasi ang paligid

Na palaging maingay sa bawat gilid

Ang dating masasaya mong mata

Napalitan ng lungkot at luha

Pagsisihan ko talaga ito

Pinakawalan pa ang isang tulad mo

Makakalimutan mo rin ako

Alam kong makakaya mo

Salamat sa pag-ibig na pinaramdam

Pag-ibig na hindi ko nasuklian

Patawarin mo sana

Isang tulad kong nasaktan ka.

60454FB3-57A5-4705-880C-C1B150FE64E1.jpeg
photosource

Maraming salamat. Sana ay nagustuhan niyo. 😊😊😊

✔️ UPVOTE ✔️ COMMENT ✔️ RESTEEM

H2
H3
H4
3 columns
2 columns
1 column
Join the conversation now
Logo
Center