"Bawal Na Pag-ibig"

Words
109
Reading
1 min
9y
Listen to this post
~1 min

casal-2630022_1280.jpg
source: Pixabay

Sa tuwing ako'y may problema
at alam mong dahil s kanya
walang pag-aalinlangan sinta
na ako'y iyong makita

Oo nga't alam nating bawal
at parehong nagpapakahangal
sa ating panandaliang ligaya
kahit handang magpasakal

Sa lugar na kung saan ay tago
dun tayo laging nagtatagpo
minsa'y gusto ko ng sumuko
subalit ayaw ng aking puso

At sa yakap mong mahigpit,
sabay ng iyong mga halik,
mga mata ko'y handang ipikit
sa ating bawal na pag ibig

Siguro nga'y sadyang ganun
mapaglaro ang panahon
hindi nabigyan ng pagkakataon
kung kaya't ang lahat ay tutol.

Ngunit hanggang kailan ba magtatagal
ang pagmamahalang bawal,
kung pareho nating alam
na panandalian lamang.

"Bawal Na Pag-ibig" | Ecency