Mensahe para kay Kras - Spoken Poetry Sample

tpkidkai(69)
Published in
#tula
Words
118
Reading
1 min
9y
Listen to this post
~1 min

Ito ay mensahe para kay Kras na kahit kailan ay di mo malalaman.

Iyon ay sa kadahilanang, alam ko sa sarili ko na hindi mo ako magugustuhan.

Kesa naman umasa ako diba?

Sa telenovela lang nangyayari na pag sinabi ko na gusto kita, ang reply mo gusto mo rin ako.

Pero di tayo mga karakter ng telenovela. At ako hamak na extra lamang, nagbabakasaling magkaroon din ng kaunting papel dyan sa iyong buhay.

Kaya't kras kung saan ka man naroroon. Dyan ka lang stay, foot ka lang dyan.
Habang ako dito umaasa na sana'y magkaroon ng lakas ng loob para aminin sa iyo ang nararamdaman ko.
Kahit feelings ko olats, malay mo baka feeling ko lang din yon.

Mensahe para kay Kras - Spoken Poetry Sample | Ecency