TULA(POETRY#34) SANGGOL

Words
76
Reading
1 min
Listen
Play
8y

SANGGOL
By tinkerrose@tinkerrose


source

Paglabas mo sa sinapupunan,
Iyak ang tanging inaabangan,
Iyak na isang palatandaan,
Iyak na nababalot ng kasiyahan.

Tawa mo na kay sarap pakinggan,
Mga tanaw mong napakagaan,
Mga ngiti na hindi maaayawan,
Napakahirap iwanan ng panandalian.

Musmos katumbas isang kayamanan,
Sanggol na tanging pinaka iingatan,
Pagod ay walang pakialam,
Pagkalinga ibinuhos ito’y kailangan.

Bawat paggising sa araw araw,
Bungad ng isang anghel nakakasilaw,
Tanggal lahat ng aking pangamba,
Biyayang wagas na kahangahanga.

TULA(POETRY#34) SANGGOL | Ecency