Toto : Ayun @junjun-ph at
@lingling-ph ang nagustuhan ko dun sa gawa ni JB simple lang yung tula nya. Sa mga salitang ginamit direkta at walang paligoy-ligoy. Sa emosyon naman mararamdaman mo yung sakit na nararamdaman nung karakter. Humuhugot sya mga bes. Tapos yung kalituhan nya at panghihinayang. Parang ikaw lang lingling kay Henry oh! Hahaha.
Junjun : Relate nga dyan si lingling talaga.
Sang-ayon ako sa napansin mo Toto tungkol sa emosyon, matindihan talaga ang hugot ni Jenny. Ang isa ko pa nagustuhan ay ang blankong pamagat ... Sumisimbolo ba ito sa kawalan ng pag-ibig kaya blanko? O baka naman masyado masakit ang karanasan kaya hindi malagyan ng label. Wasakan talaga 💔 mula titulo hanggang laman.
Toto : Yung naging parang challenge lang ay dahil sa sobrang simple lang nya maghahanap ka pa ng ibang salita na maaring gamitin.
Hahhaha grabe ka Junjun wag naman emoji lang. Kaya nga may parang meeting eh. Ano kaya ang nangyari kay Jennybeans ano? Lagi na lang panay hugot ang tula nya. Hahaha! Pero sana may pa spoken word ulit sya ❤
Lingling : Kuya Toto gusto ko na po kalimutan si Henry. Kaya naman bagay na bagay din po sa akin ang naisulat ni sis @jennybeans. Pero isa lang po napansin ko na kulang... hindi po niya nabanggit ang dahilan ng pagkakalabuan nila ni baby boy. At kung ano po mga ibang detalye ng kanilang pagsasama.
Toto : oo ayun din lingling kaya mas maganda kung malalaman pa natin ang mga nangyari. Maki chismis tayo ng bahagya. Pero dahil mag sis na kayo gusto mo ikaw na ang maki usisa lingling?
Junjun : Pero sa akin naman, ayos na sa akin na walang dahilan. Naitawid naman ang emosyon.
Toto : Pero kailangan pa rin mabigyan ng hustisya ang mga lalaki Junjun. Ano lagi nalang tayo inaapi?
Junjun : Wala naman sa kasarian ang pangaapi, Toto.
Toto : Sabagay, ikaw nga junjun inaapi mo kami.
Junjun : Totoo yan, ang kukulit nyo kasi. Back to @jennybeans, ang punto ko, nabusog na ako sa emosyon kahit hindi ko alam ang dahilan
Lingling : Bilang ako din po ay isang babae at dalagang Filipina, mahalaga po para sa akin na malaman ang ibang detalye kung paano nauwi sa ganoon ang kanilang relasyon. Para na din po maiwasan ko na malagay sa alanganing sitwasyon, at para po matutunan ko na agad ang aral. At hindi na po dumaan sa proseso na kailangan ko pa masaktan o malungkot.
Toto : Pero lingling kasama ang sakit sa pag-ibig.
Junjun : Puro sakit ang pag-ibig, asahan na iyan. Hindi talaga mapaghahandaan
Toto : Kung mapaghahandaan edi sana may pa pansit na akong niluto para kay Nene.
Lingling : So, ano po ang desisyon? Let's Vote!
Toto : For me, it's a YES!
Junjun : Definitely a YES!
Lingling : I have to say NO this time.
Toto : Bakit NO?
Junjun : Teka, ano ba pinagbobotohan natin?
Lingling : Si Henry! Kung dapat ko na ba kalimutan?
Toto : Yes pa rin! At isusumbong kita kay Tita.
Junjun : Yes! Na may kasamang palo ng ruler!
Lingling : K, fyn!
Kung naghahanap ka ng matatambayan sa discord na kung saan naguusap-usap ukol sa paglikha ng Tagalog na akda sa steemit.com maari mo kaming bisitahin sa Tropa ni Toto.
Maliban sa tula at kwento, nakasuporta at naka-antabay din ang @tagalogtrail sa mga akdang nasa kategoryang sining, kanta atbp.