Kamusta mga Tropa!
Narito po ang mga akdang aming napili at nais ibahagi sa inyo...
Hatid sa inyo nina:#UlogHugot -- "Bakit Siya At Bakit Hindi Ako?"
by
@jennybeans
Nasasabik pu muli ako na makabasa ng mga akda mo sis
@jennybeans
Sana po ay dumalas pa ang pagsusulat mo dahil nagsisilbi pu itong gamot sa puso ku den na nanatiling sugatan hanggang ngayon. -@lingling-ph
#uloghugot sa kabuteng ulam: Panahon na naman ng mga Kabute :-)❤️
by
@shirleynpenalosa
May mga kabute din po na kapag kinain mo ay nakakapagpagaling ng mga sakit. Ito po ay sinaliksik ng mga espesyalista at naulat na ginagamit pa noong panahon ng mga Emperor ng Tsina bilang sangkap sa medisina. Salamat po sa tula na gawa ninyo sis
@shirleynpenalosa -
@lingling-ph
TagalogSerye X: Unang Bahagi ng Unang Pangkat
by
@jemzem
Ang pinakagusto ko sa'yo bilang manunulat ay ang mahusay na pag buo mo ng plot. Pang teleserye ang datingan ng takbo ng storya kaya ang sarap sundan!
Kaya ok lang kahit late, worth it naman sis. Parang eksena sa "red carpet fashion show" na sa huli dumadating ang mga VIPs upang mag grand entrance! ☺ - @chinitacharmer
Tatlumpong araw ng potograpiya: Puno/Halaman
by
@romeskie
Nagustuhan ko kung paano mo inihalintulad ang buto sa buhay. Buto na kalaunan nga'y naging halaman. Ang galing mong mag-alaga, mam Rome. Naguilty tuloy ako dahil hindi ko na napagtuonan ng pansin 'yung itinanim kong aloe vera. Napakaganda nito noong itinanim, pero kung hindi nga naman pagtutuonan ng pansin ay mamamatay rin. Parang baby lang din. Napakaganda nito, mam Rome! ❤ -
@jemzem
TagalogSerye X: Ikalawang Bahagi ng Unang Pangkat
by
@mrnightmare89
Ang husay ng karugtong! Nagustuhan ko ang rebelasyong hindi naman pala talaga masamang anak si Vince. Kaya dapat talaga pumili tayo ng mga taong makakahalubilo natin. Galing din ng panghuling bahagi, nakakabitin! -
@chinitacharmer
Kung naghahanap ka ng matatambayan sa discord na kung saan naguusap-usap ukol sa paglikha ng Tagalog na akda sa steemit.com maari mo kaming bisitahin sa Tropa ni Toto.
Maliban sa tula at kwento nakasuporta at naka-antabay din ang @tagalogtrail sa mga akdang nasa kategoryang sining, kanta atbp.