Unang tula ng aking asawa

Words
125
Reading
1 min
9y
Listen to this post
~1 min

Banat ko!
Paano mo ako napaibig ng ganito?
Nung una nama'y parang isang biro-biro;
Hanggang tuluyan na kong nabaliw sa iyo,
Puso ko sana ay mahalin mo ng todo.

Mahal kita at lahat ay kakayanin;
Pagsulat ng tula ito'y siaiw sa akin,
Mahalin mo lang ako lahat ay gagawin;
Pati matchong katawan iyong iyo na rin.

Totoo nga ba na ikaw ay kabiyak ko?
Dati dati lang nam'y nag iisa ako,
Na walang pakielam kung san patutungo;
Pero dumating ka at ako'y pinagbago.

Ang sarap isipin na tayo ay isang taon na,
Na puno ng mga masasayang alaala;
Wag ka lang sana maging pasaway pa,
Pangako sa iyo mamahalin ka hanggang pagtanda. IMG20170926111946.jpg

Ito ang unang tulang ginawa ng aking kasintahan na ngayo'y aking nang kabiyak!

Unang tula ng aking asawa | Ecency