Sa pusod ng karagatan ibig kong sisirin kung nasaan ka,
Ano man ang lalim, ano man ang dilim,
susuungin ko ito hanggang marating kita,
at iaahon ka sa liwanag ng buhay!
Sa pusod ng karagatan alam kong tahimik ka,
walang kinikibo kahit ang mumunting isda,
nag-iisa ka, iniisip ko tuloy kung malungkot ka,
kaya naisip kong iahon kita sa dilim nito,
at sa ibabaw ng karagatan ang paraiso ng pagmamahal.
Ngunit ano mang oras kitang binibisita,
para akong isang munting palaboy sa iyong paningin,
sumasabay sa agos nito na parang basurang ligaw sa iyong moog,
at iirapang papalayong isang yagit sa karagatang puno ng angil.
Sabagay, daraan lang akong saglit, akala ko ayos lang tayo,
sige, marahil, hindi mo nga ako kailangan sa iyong karagatan,
mas nanaisin mo talagang magpag-isa ka.
Sana nga lang may iba pang karagatan na mas okay kaming magkasama,
iyon lang, saang lupalup ng sanlibutan ako makakahanap na di tulad mo!